Mga Karaniwang tanong tungkol sa Modified Pag-IBIG 2 (MP2) Savings

Ang MP2 Saving ay dinisenyo para sa mga miyembro ng PagIBIG Fund na gustong makaipon at makakuha ng mas mataas na dibidendo maliban sa kanilang PagIBIG Regular Savings.


OTHER ARTICLES:

Narito ang mga karaniwang tanong:

Ano nga ba ang PagIBIG Fund Savings Program?

Ang MP2 ay isang voluntary Savings Program para sa mga miyembro ng PagIBIG Fund na nais makaipon at makakuha ng mas mataas na dibidendo.

Sino-sino ang pwedeng sumali sa programang ito?

Ang maaaring sumali sa programang ito ay:

        ๐Ÿ“Œ Lahat ng aktibong PagIBIG Fund Members
        ๐Ÿ“Œ Mga dating miyembro na may ibang pinagkukuhanan ng buwanang kita at/o mga Pensioners (kahit anong edad) na may hindi bababang 24 na buwang monthly savings bago magretiro.

Ano ang minimum na halaga ang pwedeng ihulog sa MP2 Savings?

Ang minimum ng MP2 Savings ay P500.00 per remittance

Mayroon bang limitasyon sa halaga ng maaring ihulog sa MP2 Savings?

Walang limitasyon ang maaring ihulog sa MP2 Savings, maari kang maghulog hanggat gusto mo. Kung nais mong maghulog ng halagang lalagpas sa P500,000.00, kakailanganin mong mag isyu ng isang personal o manager’s check.

Paano maghulog sa MP2 Saving?

Ikaw ay maaring maghulog ng minimum amount na P500.00 kada buwan o maaring piliin ang one-time saving.

Gaano kalaki ang dibidendo ang aking kikitain?

Ang makukuha mong dibidendo sa MP2 Savings ay tax-free, at ang rate nito ay mas mataas kumpara sa PagIBIG Fund Regular Savings Program. Ang dibidendo ng MP2 ay base sa hindi bababa sa 70% ng PagIBIG Fund annual net income.

(For reference, the average MP2 dividend rate in the past three years (2016-2018) is at 7.65%.)

Kelan ko makukuha ang aking MP2 Dividends?

Maaring pagpilian ang sumusunod:

        ๐Ÿ“Œ Kapag iwi-withdraw mo na lahat ang iyong MP2 Savings pagkatapos ng limang taong maturity period, ang iyong annualy compounded MP2 dividends ay kasama na dito.

        ๐Ÿ“Œ Maaari mo ring matanggap ito through annual pay-out kasama ang iyong MP2 dividend, maaring deretso ito saiyong registered savings or checking account gaya ng Landbank o DBP.
 
Tandaan: Para sa mga miyembro na nais makuha ang kanilang dividend annualy pero walang Philippine Bank account, ang kanilang MP2 Dividends ay irerelease gamit ang cheke.

Kapag nakuha ko na ang una kung MP2 Savings, maaari ba ulit akong mag-apply para sa panibagong MP2 Saving Account?

Oo, kapag ang iyong MP2 Savings ay nag-mature na pagkatapos ng limang taon, maaari kang mag apply muli ng panibago. Maaari mo ng makuha sa kahit anong oras ang iyong MP2 Savings sa oras na ito ay nag-mature na.

Tandaan: Kapag wala ka pang balak kunin ito, ang iyong MP2 Savings ay magpapatuloy na kikita ng dibidendo ng dalawa pang karagdagang taon, ngunit ang ‘rate’ nito ay base na sa dividend rates ng PagIBIG Fund Regular Savings Program.

Pagkatapos ng karagdagang dalawang taon, ang dibidendo ng iyong savings ay titigil na at kailangan mo na itong i-withdraw o i-claim.

Maaari ba akong magbukas ng higit sa isang (1) MP2 Savings Account?

Oo, ikaw ay maaring magbukas ng kahit ilang MP2 Saving Account.

Garantisado ba ang aking MP2 Savings?

Oo, ang MP2 Savings ay garantisado ng gobyerno. Gayunpaman, ang taunang dividends, ay maaring iba-iba depende sa ilang kadahilanan, tulad ng PagIBIG Fund financial performance.

Saan ba ini-invest ng PagIBIG Fund ang aking pera?

Ini-invest ng PagIBIG Fund ang hindi bababa sa 70% ng kanilang investible fund sa housing finance. Ito rin ay ini-invest sa government securities at corporate bonds.

Paano ba mag-enroll?

Punan at isubmit ang MP2 Savings Application form sa pinakamalapit na PagIBIG Fund Branch, kasama ang iyong Valid Identification Card at Passbook o ATM Card.

Paano ko ire-remit ang aking MP2 Savings?

๐Ÿ‘‰ Maaaring ito ay Salary deduction (upon agreement or arrangement with your employer)
๐Ÿ‘‰ Maaring ihulog mo ito sa kahit anong PagIBIG Fund Branch; at
๐Ÿ‘‰ Kahit saang PagIBIG Fund accredited collection partner.

Source: PagIBIG Fund

OTHER ARTICLES:
Mga Karaniwang tanong tungkol sa Modified Pag-IBIG 2 (MP2) Savings Mga Karaniwang tanong tungkol sa Modified Pag-IBIG 2 (MP2) Savings Reviewed by Issues PH on July 04, 2021 Rating: 5

1 comment:

  1. How to Play Pai Gow Poker | BetRivers Casino - Wolverione
    Pai worrione Gow bsjeon.net Poker is an online version of a traditional table game in nba๋งค๋‹ˆ์•„ which players https://tricktactoe.com/ place bets in the background. Pai Gow https://jancasino.com/review/merit-casino/ Poker uses only the symbols from a

    ReplyDelete

Powered by Blogger.