Magbukas ng bagong Landbank Account Online gamit ang Landbank Digital On-Boarding System (DOBS)

Gamit ang Landbank Digital On-Boarding System o DOBS maaari ka ng magbukas ng account via online. Ito ay inilunsad ng Landbank para mapadali ang pagproseso ng pagbubukas ng mga bagong account.


OTHER ARTICLES:

Mula noong 2018 ginawang mas mabilis at mas madali ng Landbank ang pagbubukas ng mga panibagong account gamit ang DOBS. Ang DOBS ay isang internet based web application, sa DOBS madali mo naring maa-update ang iyong mga personal na impormasyon. As of end of April 2021 mayroon ng 1.53 million accounts ang nabuksan gamit ang sistemang ito.

Narito ang dapat paraan kung paano magbukas ng account gamit ang DOBS:

👉 I-download ang Landbank Mobile Banking App

I-download ang Landbank Mobile Banking App, i-search ito sa Google Play para sa android users at/o App Store para sa mga apple users.


👉 Buksan ang App

Buksan ang App at i-click ang Open an Account. Basahin at intindihin ang mga detalyeng lalabas tungkol sa Landbank ATM Savings Account pati narin ang mga reminders, pagkatapos i-click ang Proceed.


Basahin rin ang Landbank Terms and Policies at saka i-click ang Next.




👉 Sagutan ang form

Sa lalabas sa saiyong screen, ibigay ang lahat ng hinihinging impormasyon, mag-isip din ng iyong Username at Password, pagkatapos ay i-click ang Next.


👉 Ilagay ang One Time Pin

I-type ang pinadalang One-Time Pin sa iyong iniregister na mobile number o email address para sa verification, pagkatapos ay i-click ang Submit. Kapag wala kang natanggap na OTP, pindutin lang ang ‘Resend OTP via SMS.’

Lalabas saiyong screen ang ‘User Profile Successfully Created’ pagkatapos ay i-click ang Continue.

Kasunod nito ay mamili ng tatlong Security Questions, mag-isip ng mga sagot na madali ninyong maaalala, pagkatapos i-click ang Next.


👉 Sagutan ang lalabas na Personal Information at Financial Information

Sagutan ang mga hinihinging impormasyon tungkol sa iyong Personal at Financial Information, tapos i-click ang Next.

Piliin ang purpose sa pag-gawa ng account at kumpletuhin ang iba pang hinihinging detalye at i-click ang Next.

Piliin din kung ano ang applicable sa’yo under FATCA Declaration at i-click ang Next.


👉 Piliin ang supporting document o ID na gagamitin

Piliin ang isang Valid ID na gagamitin at i-click ang Next. Pagkatapos, sundan ang instruction na lalabas saiyong screen at i-click ang Start Verification.

I-type ang iyong ID Number, at piliin ang pinakamalapit na Home Branch o Branch of Account para saiyo at i-click ang Next.


👉 Tiyaking tama ang lahat ng impormasyon na inilagay

Reviewhin o tignang maigi ang mga impormasyon na iyong inilagay, pag may nais kang baguhin i-click lang ang Edit. Kapag maayos na ang lahat, i-click ang Confirm, pagkatapos ay ang Ok button.


👉 Antayin ang Confirmation ng iyong account

May masesend saiyo na email para sa confirmation of account opening sa loob ng 24 hanggang 48 na oras.

Panghuli, lalabas na sa iyong screen ang Account Opening Successful, ibig sabihin may Landbank ATM Savings Account ka na. Para subukan ang iyong account, maaari ka ng maglog-in sa Mobile Banking App (MBA) o iAccess website ng Landbank.


Dahil sa DOBS mobile hindi mo na kaylangan pang punta sa Landbank Branch, magfill up ng napakaraming form, pumila, mag-antay at higit sa lahat habulin ang banking hours para lang makagawa ng Landbank Account.

Para sa karagdagang tanong, pumunta lang sa https://www.landbank.com/

OTHER ARTICLES:

Source: Landbank

Magbukas ng bagong Landbank Account Online gamit ang Landbank Digital On-Boarding System (DOBS) Magbukas ng bagong Landbank Account Online gamit ang Landbank Digital On-Boarding System (DOBS) Reviewed by Issues PH on July 26, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.