Paano Magregister sa GSIS Touch App

Ano nga ba ang GSIS Touch?

Ang GSIS Touch ay isang official Government Service Insurance System (GSIS) mobile application.


OTHER ARTICLES:
Paano magcomply sa Annual Pensioners Information Revalidation (APIR) Online

Ito ay mas pinasimpleng version ng eGSISMO website, may mga features ang eGSISMO website na wala sa GSIS Touch App. Sa GSIS Touch maari mong makita ang iyong personal impormasyon, GSIS claims, loans at mga detalye ng iyong pension.

Sino-sino ang maaring gumamit ng GSIS Touch App?


Maaring gamitin ng kahit sino mang miyembro at pensioners ang GSIS Touch App, basta siguraduhing updated ang iyong mobile number, kung hindi man, puntahan ang pinakamalpit na AAO na naitalaga para sa inyo o gamitin ang  GWAPS kiosk para i-update ito.

Gagamitin ang iyong mobile number para dun i-send ang One Time Pin (OTP) pagkagawa ng inyong account. Ito ay para masigurado ang inyong pagkakakilanlan.

Paano mag-sign up?

👉    Madali lang magsign-up, buksan ang iyong google play store at i-type ang GSIS Touch App sa search button. Pagkatapos, i-click ang Install.



👉    Pagkadownload, buksan ang App, lalabas sa iyong screen ang apat na bahagi ng App (eGSISMO mobile, GSIS Insurance, Citizen’s Charter at Branches). I-scroll down ang app, pagkatapos pindutin ang Create account.



👉   Sa lalabas saiyong screen, i-type ng hinihinging impormasyon (BP Number, Birthdate) pagkatapos, i-click ang Register.

👉    Lalabas ang Terms and Conditions, basahin at i-scroll down, tyaka i-check ang box ng I accept the Terms and Conditions at i-click ang Accept button.

👉   Susunod na lalabas ay ang Data Privacy Statement, gaya sa Terms and Conditions, basahin tyaka i-check ang box ng I accept the Data Privacy Statement, at i-click ang Accept button.


👉    Kasunod, lalabas sa iyong screen ang Identity Validation, na nagsasabing i-sesend saiyong mobile number ang One Time Pin (OTP). I-click ang Send me the OPT at antayin i-send ang iyong PIN.

👉    Pagkareceive mo ng iyong PIN, i-type ito at i-click ang Confirm. Kapag naman wala kang nareceive na OTP, maari kang mag resend ulit ng request para sa Pin, antayin lamang matapos ang countdown at lalabas ang Resend button.


👉    Sa bahaging ito, ikaw ay gagawa na ng iyong bagong account. Punan ang hinihinging impormasyon, pagkatapos i-click ang Create Account.
  • Username - At least four characters long
  • Nickname (Optional)
  • Password
    • Atleast six characters long
    • Must have an upper case character
    • Must have a lower case character
    • Must have a Number or symbol.
  • Confirm Password
👉    Kapag ayos na ang lahat, lalabas sa iyong screen ang pop-up message na sinasabing successful ang iyong application. Kasunod nito ay i-click ang OK at maglog-in na gamit ang iyong Username at password.

👉    Maaring gumamit din ng biometric para makalog-in, sa lalabas na pop-up message para sa biometric, i-click lang ang YES pagkatapos ay magpascan ng finger print.


👉    Kapag ikaw ay nakalog-in na, lalabas sa iyong screen ang iyong GSIS records, maaari mo naring makita ang mga detalye ng iyong loans at loan payments gamit lamang ang iyong mobile phone at internet.


OTHER STORIES:


Source: GSIS
Paano Magregister sa GSIS Touch App Paano Magregister sa GSIS Touch App Reviewed by Issues PH on June 17, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.