Inilunsad ng SSS ang kanilang My.SSS portal website (CLICK HERE) para gawing madali at mabilis ang ilan sa kanilang mga serbisyo. Sa pamamagitan ng iyong mobile phone o computer, pwede mo ng makita ang iyong monthly contributions at gawin ang ilang transaction ng hindi na nangangaylangan pang pumunta sa SSS branch, malaking tulong din ito para maiwasang magkumpulan ang tao sa loob ng kanilang opisana at alin sunod sa health protocols ngayong tayo ay nasa pandemya.
- View your membership information
- Update your contact details
- View employment history
- Schedule an online appointment
- Access your contribution records
- Apply for salary, calamity and pension loans
- Apply for unemployment benefits
- Request for member data change (simple correction)
- Request records
- Submit retirement or funeral claim application
- Generate payment reference number (PRN)
OTHER ARTICLES:
Unang Hakbang: Pumunta sa My.SSS Website
π Gamit ang iyong google chrome o kahit anong browser i-search ang My.SSS website (CLICK HERE). Kasunod, i-click ang “Not yet registered in My.SSS?”
π Basahin ang reminder na lalabas sa iyong screen at i-scroll down para i-check ang box ng “I certify that I have read and understood the foregoing reminders on SSS Web registration” at i-click ang Proceed.
Pangalawang Hakbang: Punan ang Online Registration Form
π Punan ang mga hinihinging impormasyon ng Form, lahat ng may astrerisk (*) ay dapat mapunan.
π Kapag tapos ka na, i-solve ang captcha at i-check ang box ng “I accept the Terms of Service.” Kasunod ay i-click ang Submit.
π Kapag tama ang lahat ng impormasyon na iyong inilagay, lalabas sa iyong screen ang sumusunod na mensahe: “You have successfully submitted your SSS Web Account Registration application. Kindly check your email for the system notification. Thank you!”
Pangatlong Hakbang: I-Activate ang iyong Account
π Para ma-activate ang iyong account, pumunta sa iyong email at i-check ang senend ng SSS sayo na may subject na SSS Web Regstration. Bukasan at i-click ang LINK na nakapaloob sa iyong email.
π Pagkaclick ng link, ikaw ay dederetso sa password setup page, bago makapagset-up ng password, dapat mong i-enter ang huli o last 6 digit ng iyong CRN o SS Number. Pagkatapos, i-click ang Submit.
π Para maset ang iyong password sundan ang sumusunod na guidlines mula sa SSS:
- Contains 8-20 alphanumeric characters (letters and numbers only)
- The first character must be alphabetic (letters only)
- No special characters (* @ # %)
- At least one character must be in uppercase
- At least one character must be a number
- Must not be the same as your user ID
π Kapag na type mo na ng dalawang beses ang iyong napiling password, i-click ang Submit para macompleto ang iyong registration at account activation.
π Ang iyong password ay valid o magagamit lamang sa loob ng anim (6) na buwan, kapag tapos na ang anim na buwan kaylangan mo na ulit magset ng panibagong password.
Para sa karagdangang tanong maaring tawagan ang SSS tool-free hotline 1-800-10-2255777 (1-800-10-CALLSSS) o maari ding mag ng email sa member_relations@sss.gov.ph.
Source: Social Security System
OTHER STORIES:
Paano Magregister at ipa-Activate ang iyong SSS Online Account
Reviewed by Issues PH
on
June 14, 2021
Rating:
No comments: