Paano magpaschedule ng Appointment sa SSS Online

Dahil sa quarantine restrictions, nagpatupad ang SSS ng isang online appointment system kung saan kailangang magpaschedule ng appointment ang mga miyembro sa kanilang napiling sangay ng SSS bago sila payagang makapasok sa loob at maasikaso ang kanilang transaction.


RELATED ARTICLE:

Sa ngayon, marami na ang sangay ng SSS ang hindi na tumatanggap ng walk-in, kaya dapat siguraduhing meron kang appointment. Maari kang makakuha ng appointment sa pamamagitan ng My.SSS.portal (Kapag naman sa SSS mobile app wala pa itong feature o option para makapagpaschedule ng appointment.) 

Para makakuha ng SSS Appoinment dapat ay rehistrado ka sa kanilang My.SSS Website, kapag ikaw ay wala pa i-CLICK ito para sa kumpletong hakbang o guide para makagawa ng iyong online account.

Narito ang simpleng paraan para makakuha ng SSS Appointment:

📍    Mag-login sa iyong SSS Account o CLICK HERE.


📍    Kapag ikaw ay naka-login na, i-click ang MEMBER INFO at piliin ang Appointment System.

📍    Sa member’s appointment page, piliin ang purpose ng iyong pagbisita sa dropdown menu:
  • Members Data Change (E4)
  • Funeral Claim Application
  • Death Claim Application
  • Disability Claim Application
  • Retirement Claim Application
  • Medical Examination on Disability/Sickness Claim
  • Issuance of Certification for Member/Non-member
  • Issuance of Certification for Pensioner
  • Complaints
  • Employee (EE) Contribution Verification
  • Self-Employed/Voluntary Member (SE/VM) Contribution Verification
  • Submission of Required Documents for SS Number Application
📍    Kasunod, pumili kung saang region ka (NCR, Luzon, Visayas o Mindanao) at piliin din ang iyong SSS servicing branch or kung saang branch ng SSS mo nais gawin ang iyong transaction.


📍    Pagkatapos, pumili kung ano ang available time schedules ng iyong napiling branch, pati narin ang counter number. Para naman sa iyong concerns o complaint maaari itong i-type sa box.


📍    Paghuli, i-click ang SUBMIT para mabook ang iyong appointment. Isulat sa papel ang iyong appointment details gaya ng transaction number o i-print.

📍    Ang iyong confirmation appointment ay masesend sa iyong email kasama narin ang detalye kung papaano ito i-cancel.

📍    Siguraduhing pumunta sa iyong naitakdang appointment. ‘Wag kalimutang dalhin iyong UMID Card o dalawang valid Id’s.

Source: Social Security System
Paano magpaschedule ng Appointment sa SSS Online Paano magpaschedule ng Appointment sa SSS Online Reviewed by Issues PH on June 15, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.