Saturday, June 19, 2021

Paano i-retrieve ang nakalimutang PRC LERIS Online Password

Hindi ka ba makapag log-in saiyong PRC LERIS online account dahil nalimutan mo ang iyong password?


RELATED ARTICLE:

Hindi maiwasang makalimutan natin ang ating password dahil narin sa katagalan na di natin pagbisita sa PRC website. Para makapaglog-in sa inyong account, piliting alalahanin ang email address na iyong inilagay noong ginawa mo ang iyong PRC online account.

Narito ang paraan para mareset mo ang iyong PRC password:

Unang Hakbang: Bisitahin ang PRC website

👉   Bisitahin ang PRC website sa https://www.prc.gov.ph/,  sa kaliwang bahagi ng iyong screen pindutin ang kahit anong link sa Registration eServices.


👉 Kapag nasa PRC Online Services ka na, i-click ang SIGN-IN, kasunod ay FORGOT PASSWORD.


Pangalawang Hakbang: I-type ang iyong Email Address

👉   I-type ang iyong ang email address na ginamit mo noong ginawa mo ang iyong account. Pagkatapos, i-check ang box ng I'm not a robot. Basahin ang nakalagay na note, tyaka i-click ang SUBMIT.


Ikatlong Hakbang: I-check ang iyong Email

👉  Buksan ang inyong email address at buksan ang isinend ng PRC na Password Reset Insruction. Pagkatapos ay i-click ang link o ang CLICK HERE TO RESET PASSWORD.


Ika-apat na Hakbang: I-reset ang iyong PRC Password

👉   Pagkaclick mo ng link ikaw ay dederetso sa page kung saan pwede mo ng i-reset ang iyong password. Mag-isip ng password at i-type ito, siguraduhin na ang ipapalit mong password ay madali mong maaalala . Kasunod, i-check ang box ng I’m not a robot at i-click ang SUBMIT.

👉   Pagkasubmit mo, lalabas sa iyong screen ang confirmation notice at i-click lang YES. Lalabas ang notification na sinasabing successful ang iyong pagpapalit ng password tyaka i-click ang OK button.


Panglimang Hakbang: Maglog-in gamit ang iyong bagong Password

👉  Pagkaclick mo ng OK button, lalabas ang isa pang pop-up message, i-click lang ang CLICK TO REDIRECT TO HOMEPAGE button para pumunta sa sign-in page ng PRC.


👉  At ang panghuli, maglog-in na gamit ang iyong bagong password.

Source: Professional Regulation Commission

OTHER STORIES:

No comments:

Post a Comment