Inilunsad ng Pag-IBIG Fund ang kanilang Virtual PagIBIG website bilang online portal para sa kanilang PagIBIG Fund Services. Ang mga miyembro ay maaari ng ma-access ang iba’t ibang serbisyo ng PagIBIG Fund ng madali at mabilis gamit lamang ang cellphone, laptop, computer o tablet.
RELATED ARTICLES:
Para ma-verify ang iyong PagIBIG Loan status online narito ang maari mong gawin:
Pumunta o bisitahin ang PagIBIG Virtual Website Page
📌Pumunta sa PagIBIG Virtual Website (CLICK HERE). Lalabas sa iyong screen ang Data Privacy Statement, basahin at pagkatapos i-check ang box at ang PROCEED button.
📌Sa kaliwang bahagi ng iyong screen i-click ang Apply for and Manage Loan, pagkatapos i-click ang View Status Loan.
📌Kapag ikaw ay nasa Loan Status Verification page, punan ang lalabas na form:
👉 Select Type of Loan:
- Housing Loan
- Multi-Purpose Loan (MPL)
- Calamity Loan (CAL)
👉 I-enter ang iyong PagIBIG MID Number
👉 I-enter ang iyong Last Name na nakarehistro sa PagIBIG
👉 I-check ng maigi ang inilagay mong mga detalye saka i-click ang SUBMIT
📌Pagka Submit ng iyong form lalabas sa iyong screen ang mga detalye ng iyong Loan Application. Kapag ito ay APPROVED, ipapakita sa iyong screen ang Start, End Term, at Loan Status Date.
Makipag Chat sa PagIBIG Fund Service Agent
Para sa iyong mga katanungan sa PagIBIG services, maari mong gamitin ang CHAT feature ng PagIBIG Website Page.
📌I-click lamang ang AVATAR sa kanang ibabang bahagi ng Virtual PagIBIG Home Page. Kompletuhin ang form at piliin ang specific concern na nais mong itanong o linawin.
📌Pagkatapos, i-click ang SUBMIT at antayin ang sagot ng PagIBIG service agent sa iyong katanungan.
Maaring gamitin ang PagIBIG Contact Us Form
Maari mo ding gamitin ang Email Us Form (CLICK HERE) sa PagIBIG Fund website para sa iyong mga katanungan at nais linawin.
📌Punan ang mga hinihinging impormasyon sa Form, pagkatapos piliin ang iyong katanungan sa drop-down menu. Maari mong dagdagan ng iba pang detalye ang nais mong malaman, isulat lamang ito sa Message Box.
📌Pagkatapos, i-enter ang Code sa blank space at i-click ang SEND.
Tawagan ang PagIBIG Fund Hotline Number
Para iyong mga katanungan maari ding tawagan ang PagIBIG Fund. Tawagan lamang sa kanilang Hotline number (+632)8-724-4244. Kapag nareceive na nila ang iyong katanungan, ang processing time ay dedepende sa iyong nais alamin o problema.
Mag-Send ng email sa PagIBIG Fund Personnel
Maari ka ring mag-email para sa iyong mga katanungan at i-send ito sa PagIBIG email address:
contactus@pagibigfund.gov.ph para sa lahat ng miyembro;
iog_tfssd@pagibigfund.gov.ph or ofwcenter@pagibigfund.gov.ph para sa mga OFWs.
OTHER STORIES:
Source: PagIBIG
Paano i-check ang iyong PagIBIG Loan Status Online
Reviewed by Issues PH
on
June 09, 2021
Rating:
No comments: