Paano mag-apply sa GSIS Loans Online gamit ang iyong Cellphone (Emergency Loan, ConsoLoan, Pension at Policy Loan)

Bago mag-apply alamin muna ang mga dapat isa alang-alang:


OTHER STORIES:

Sino ang pwedeng mag-apply ng GSIS loans?
  1. Aktibong miyembro
  2. Pensioner
Mga Apps na dapat meron ka o kaya ay i-download sa Google Play:
  1. Adobe Reader App
  2. Gmail App o Yahoo App
  3. Chrome
Kapag ikaw ay aktibong miyembro/pensioner at nadownload mo na ang mga kaylangang Apps, narito ang dapat mong gawin:

Unang hakbang:
Magdownload ng form na kaylangan sa GSIS website

📍    Gamiting ang Chrome at i-search ang GSIS downloadable forms or CLICK HERE.
📍    Piliin ang klase ng loan form na kaylangan tyaka i-download ito.

Pangalawang hakbang:
Fill-upon ang nadownload na form

📍    Buksan ang nadownload na form gamit ang Adobe Reader App at fill-upon ang mga hinihinging detalye.
📍    Para sa parteng signature, i-type muna ang iyong buong pangalan, TIN at current date.
📍    Para sa iyong pirma, mas mainam kung gamitin ang "camera feature" ng Adobe Reader para hindi na mahirapan pang gumawa ng pirma, sundan lng ang mga sumusunod:
        Step 1: Maglabas ng coupon band at gawin ang iyong pirma. Itabi muna ito.
        Step 2: Sa iyong cellphone, i-click ang BLUE button na nasa ibabang bahagi ng iyong screen.
        Step 3: Lalabas ang sumusunod, Comment, Fill & Sign, Edit PDF at Organize Pages. I-click ang Fill & Sign.

        Step 4: I-click ang picture ng PEN na nasa ibabang bahagi ng iyong screen.
        Step 5: Lalabas ang Create Signature at Create Initials, i-click ang CREATE SIGNATURE. Sa lalabas sa iyong screen pindutin ang CAMERA button at picturan ang iyong pirma.
        Step 6: Pagka-picture ng iyong pirma, i-CROP ito at i-click ang DONE. Pwede itong palakihin o paliitin, 'pag ayos na ang lahat i-drag o i-pwesto na ito sa taas ng iyong panganlan.
📍    ‘Pag kompleto na lahat i-save na ang nafill-upang form.

Pangatlong hakbang:
Magpapicture o magselfie na hawak ang iyong UMID Card ID  

📍    Magpapicture o magselfie na hawak ang iyong UMID Card ID (harapan ng ID).
📍    Picturan din ng bukod ang harap at likod ng iyong UMID Card ID.

Pang-apat na hakbang:
I-Email ang iyong mga dokumento  

📍    Email ang ang nafill-upang form at nakunang pictures gamit ang iyong gmail o yahoo account.
📍    Sundan ang sumusunod para sa subject:
  • Para sa PENSION LOAN
SUBJECT: PENSION LOAN_BP NUMBER_LAST NAME_FIRST NAME_CITY, PROVINCE
Example: PENSION LOAN_1234567899_DELA CRUZ_JUAN_LUCENA CITY, QUEZON PROVINCE

  • Para sa CONSOLOAN
SUBLECT: CONSOLOAN_BP NUMBER_LAST NAME_FIRST NAME_AGENCY NAME
Example: CONSOLOAN_1234567899_DELA CRUZ_JUAN_DPWH MANILA

  • Para sa POLICY LOAN
SUBLECT: POLICY LOAN_BP NUMBER_LAST NAME_FIRST NAME_AGENCY NAME
Example: POLICY LOAN_1234567899_DELA CRUZ_JUAN_DPWH MANILA

  • Para sa EMERGENCY LOAN (Active Member):
SUBLECT: EMERGENCY LOAN_BP NUMBER_LAST NAME_FIRST NAME_AGENCY NAME
Example: EMERGENCY LOAN_1234567899_DELA CRUZ_JUAN_DPWH MANILA

  • Para sa EMERGENCY LOAN (Pensioner):
SUBLECT: EMERGENCY LOAN_BP NUMBER_LAST NAME_FIRST NAME_CITY, PROVINCE
Example: EMERGENCY LOAN_1234567899_DELA CRUZ_JUAN_LUCENA CITY, QUEZON PROVINCE

📍    I-send ang mga dokumento (maximum of 5MB per email) sa sumusunod:
📍    I-check ng maiigi ang mga impormasyon at detalye na iyong nilagay bago ito isend.

Panglimang hakbang:
Mag-antay  

📍    ‘Pagka-send laging i-check ang iyong email, ikaw ay makakareceive ng mga sumusunod:
  1. ACKNOWLEDGEMENT mula sa GSIS
  2. Tentative Loan Computation at Loan Conformity
  3. Notification ng incomplete at/o non-compliant documents (kapag may kulang/mali sa iyong pinadalang dokumento)
📍    Para sa mga aktibong miyembro, pagka-send mo ng iyong Loan Conformity, ang GSIS na mismo ang magpapadala sa iyong AAO’s.

Paalala: Para sa mga aktibong miyembro, maaring ipagbigay alam sa iyong AAO ang tungkol sa inyong loan application para mas mapabilis ang inyong loan approval.

OTHER ARTICLES:


Source: GSIS








Paano mag-apply sa GSIS Loans Online gamit ang iyong Cellphone (Emergency Loan, ConsoLoan, Pension at Policy Loan) Paano mag-apply sa GSIS Loans Online gamit ang iyong Cellphone (Emergency Loan, ConsoLoan, Pension at Policy Loan) Reviewed by Issues PH on May 25, 2021 Rating: 5

1 comment:

  1. Sana magkaroon ng panibagong GFAL- yong reconstruction muli ng mga loan sa ibang prvate like MTMAS.
    salamat po

    ReplyDelete

Powered by Blogger.