Paano magbayad ng BIR Taxes Online

Alam mo ba na pwedeng magbayad ng iyong BIR taxes online? Maaaring magbayad gamit ang iyong computer o cellphone at internet.


Inilunsad ng BIR ang online tax payments para sa ikagiginhawa ng mamayang Pilipino. Hindi na kaylangang pang pumunta at pumila para lamang makapagbayad. Gamit lamang ang iyong internet ay agad mo ng mababayaran ang iyong tax dues.

Narito ang ilang BIR Online Payment facilities na maari mong gamitin:

UnionBank Online and Mobile Banking


Kapag ikaw ay may UnionBank savings o cheking account gaya ng UnionBank EON, maaari mong gamitin ang online banking para bayaran ang iyong tax. Para makapag sign up sa UnionBank online banking CLICK HERE.

Kapag ikaw ay may account na, gawin lamang ang sumusunod:

    ðŸ“Œ    Maglog-in sa iyong UnionBank account gamit ang UnionBank mobile banking app o pumunta sa UnionBank Online Banking Website CLICK HERE.
    ðŸ“Œ    I-click ang PAY BILLS. Kapag naman sa app, i-click ang SELECT BILLER.
    ðŸ“Œ    Lalabas ang iba’t ibang biller list, i-click ang BUREAU OF INTERNAL REVENUE.
    ðŸ“Œ    Ibigay ang mga hinihinging detalye:
  • TIN (Ang iyong 9-digit TIN, huwang gumamit ng dash)
  • TIN BRANCH CODE (Ito ay ang huling tatlong numero ng iyong 12-digit TIN Number)
  • FORM TYPE (Para sa BIR Tax Form CLICK HERE. Halimbawa: Ang babayaran mo ay                     income tax, ang form type nito ay 1700)
  • TAX TYPE (Halimbawa: Kapag ang pinili mong FORM ay Income Tax (1700), ang tax                        type nito ay IT o income tax)
  • RETURN PERIOD (Ito ay ang last day of the applicable period. Halimbawa: Kapag                            babayaran mo ang buong taon, ang return period ay December 31)
    ðŸ“Œ    Kapag napunan mo na ang mga detalye, i-click ang NEXT.
    ðŸ“Œ    I-enter kung magkano ang babayaran, pagkatapos, i-click ang NEXT.
    ðŸ“Œ    Lalabas ang iyong Payment Details, siguraduhing tama lahat ng mga impormasyong iyong inilagay pagkatapos ay i-click ang PAY.
    ðŸ“Œ    Pagkabayad, i-check ang iyong email para sa payment confirmation. Maaring i-print ito para magkaroon ka ng kopya.

OTHER ARTICLES:
Paano magbayad ng iyong PagIBIG Contributions, Savings at Loans gamit ang PagIBIG Website


LandBank Link.BizPortal

Photo credit: facebook.com

Kapag ikaw ay may Landbank account or BancNet online banking account, maaari mong gamitin ang LandBank Link.BizPortal website para bayaran ang iyong tax, hindi na kaylangan pang pumunta sa kahit anong branch ng Landbank para makapagbayad. Hindi narin kaylangan pang mag-enroll sa Landbank iAccess para gamitin ito.

Gawin lamang ang mga sumusunod:

    ðŸ“Œ    Pumunta sa LandBank Link.BizPortal website at i-click ang PAY NOW.
    ðŸ“Œ    Sa lalabas na page, kaylangang mamili ng ‘merchant’, i-type lamang ang BUREAU OF INTERNAL REVENUE sa box at i-click ang CONTINUE.
    ðŸ“Œ    Piliin ang TAX PAYMENT para sa transaction type, pagkatapos i-click ang CONTINUE.
    ðŸ“Œ    Ibigay ang mga hinihinging detalye:
  • AMOUNT
  • TIN (Ang iyong 9-digit TIN, huwang gumamit ng dash)
  • TIN BRANCH CODE (Ito ay ang huling tatlong numero ng iyong 12-digit TIN Number)
  • FORM TYPE (Para sa BIR Tax Form CLICK HERE. Halimbawa: Ang babayaran mo ay                     income tax, ang form type nito ay 1700)
  • TAX TYPE (Halimbawa: Kapag ang pinili mong FORM ay Income Tax (1700), ang tax                        type nito ay IT o income tax)
  • RETURN PERIOD (Ito ay ang huling araw ng tax na iyong babayaran. Halimbawa: Kapag ang babayaran mo ay January to March, ang return period ay March 31)
  • EMAIL ADDRESS
    ðŸ“Œ    Pumili ng payment mode at i-enter ang iyong bank account number.
  •     Landbank or Overseas Filipino Bank ATM Card
  •     BancNet (ito para lamang sa mga may BancNet online banking account CLICK HERE)
  •     Other Banks via PCHC
    ðŸ“Œ    I-enter ang Captcha code at i-check ang box ng terms and conditions, pagkatapos i-click ang CONTINUE.
    ðŸ“Œ    Kapag ang pinili mo ay Landbank para iyong payment mode, kaylangan mong i-enter ang ONE-TIME password (OTP) na i-sesend sa iyong email o mobile number.
    📌    Piliin ang JAI or Joint Account Indicator, “0” para sa individual account, “1” o “2” para sa joint account.
    📌    I-click ang iyong PIN sa Pin Pad at pagkatapos i-click ang SUBMIT.
   ðŸ“Œ  Tignang maigi ang mga impormasyon na iyong ibinigay sa lalabas na payment confirmation. Maaari mo ring tignan ang iyong email para sa confirmation ng iyong BIR Online Payment.
    📌   ‘Wag kalimutang i-print para ikaw ay may kopya.


GCash Mobile Wallet

Photo Credit: pinoytechsaga.blogspot.com

Kapag ikaw naman ay may GCash account maaari mo rin itong gamitin. Para makapagbayad ng iyong tax, gawin lamang ang mga sumusunod:

    📌   Maglog-in sa iyong GCash account.
    📌   I-click ang PAY BILLS at piliin ang GOVERNMENT na nasa screen.
    📌   Piliin ang BIR sa list of billers.
    📌   Ibigay ang mga hinihinging impormasyon.
  • FORM SERIES
  • FORM NUMBER (Para sa BIR Tax Form Number CLICK HERE. Halimbawa: Ang babayaran mo ay income tax, ang form type nito ay 1700)
  • TAX TYPE (Halimbawa: Ang tax type ng 1700 at 1701 ay “IT” o income tax)
  • RETURN PERIOD (Ito ang huling araw ng applicable period ng tax na iyong babayaran)
  • TIN (Ito ay ang 9-digit ng iyong TIN, ‘wag lagyan ng dash)
  • BRANCH CODE (I-enter ang 5-digit branch code na kadalasan ay ang last 3 or 5 digits ng iyong TIN. Kapag ang branch code ay 3-digits lamang, lagyan ng “00” sa unahan)
  • AMOUNT
  • EMAIL
    📌  Pagkatapos maipasok ang mga impormasyon, i-click ang NEXT.
    📌  Tignang maigi kung tama ang mga detalye ng iyong transaction at i-click ang CONFIRM.
    📌  Ikaw ay makakareceive ng text message galing sa BIR Online Payment, at email confirmation kapag ibinigay mo ang iyong email address.

OTHER ARTICLES:
Narito ang listahan ng Libreng TESDA Online Courses (2021)
Paano mag-enroll sa FREE TESDA Courses Online

DBP Paytax Website


Hindi mo na kaylangang magkaroon ng DBP account para gamitin ang DBP Paytax, pero ito ay tumatanggap lamang ng VISA credit Card o DEBIT card.

Gawin lamang ang sumusunod:

    📌  Pumunta sa DBP Paytax website CLICK HERE.
    📌  Punan ang mga hinihinging detalye:
  • TIN (I-enter ang iyong 12- or 14-digit TIN ng buo)
  • FORM NUMBER (Para sa BIR Tax Form Number CLICK HERE. Halimbawa: Ang babayaran mo ay income tax, ang form type nito ay 1700)
  • TAX TYPE (Halimbawa: Ang tax type ng 1700 at 1701 ay “IT” o income tax)
  • REVENUE DISTRICT OFFICE (RDO) (Piliin ang BIR RDO kung saan mo finile ang iyong tax returns)
  • RETURN PERIOD (Ito ang last date ng applicable period)
  • AMOUNT
    📌  Pagkatapos i-click ang CONTINUE.
    📌  I-enter ang iyong first name, middle name, last name at email address.
    📌  I-check ang box ng “I hereby….” at i-click ang PROCEED TO PAYMENT.
    📌  Sa lalabas na page, piliin ang payment mode (Visa). Paalala, ito ay may convenience fee. Pagkatapos, i-click ang PROCEED TO PAY.
    📌  I-enter ang iyong Visa Card Number, CVV2 at card expiry date.
    📌  I-click ang CONFIRM PAYMENT para bayaran ang iyong tax.
    📌  Tignan ang text o ang iyong email para sa confirmation ng iyong BIR Online Payment. ‘Wag kalimutang i-print o mag-save ng iyong kopya.



Paano magbayad ng BIR Taxes Online Paano magbayad ng BIR Taxes Online Reviewed by Issues PH on March 02, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.