Paano i-check ang iyong Philhealth Contribution Online

Ang Philhealth ay may online facility para ma-access o makita ng mga miyembro nito ang kanilang posted contributions, at iba pang mga impormasyon. 

Madali mo ng makikita ang iyong contributions ng hindi na kaylangang pang lumabas ng bahay. Gamit lamang ang iyong cellphone, tablet, desktop at internet makikita mo na lahat ng iyong remitted at posted contributions. Tandaan, kapag laging updated ang iyong contribution, siguradong magagamit mo ang iyong Philhealth ng walang problema.

Sundan lamang ang mga sumusunod:

📍    Pumunta sa Philhealth Member Portal at i-click ang CREATE ACCOUNT (CLICK HERE)


OTHER ARTICLES:

📍    PUNAN ang hinihinging impormasyon ng lalabas na registration form at siguraduhin tama lahat ng detalye na iyong ilalagay.

Kakaylanganin mong ibigay ang mga sumusunod: Philhealth Number, pangalan, araw ng kapanganakan, contact number, email address at mag-isip ng 8-32 characters na password. 

Narito ang Password requirements:
  • Minimum of 8 chars
  • Maximum of 32 chars
  • Must contain at least one digit (0-9)
  • Must contain at least one uppercase letter (A-Z)
  • Must contain at least one lowercase letter (a-z)
  • Must contain at least one special chars (` ~ ! @ # $ % ^ & * ( ) - _ = + [ ] { } | ; : ' " < > , . / ?)


📍    Kapag napunan mo na ang form, i-enter ang captcha code at i-click ang CREATE ACCOUNT.


📍    Buksan ang iyong email at tignan ang i-senend saiyo na confirmation message ng Philhealth. Ang mensahe ay naglalaman ng iyong Philhealth Number, password at activation link.

 📍    I-click ang ACTIVATION LINK na senend sa iyong email para ma-activate ang iyong online member account.


 📍    Kapag activated na, pumunta sa Philhealth Member Portal at magLOG-IN

 📍    I-enter ang iyong Philhealth number (PIN) at ibinigay mong password. I-type ang nasa screen na captcha code, pagkatapos i-click ang log-in button.


 📍    Pagkalog-in, lalabas ang iyong Member Information kung saan nakalagay ang iyong personal na impormasyon at nakalistang dependent/s. Mas magandang i-PRINT ito para magkaroon ng sariling kopya.

📍   I-click ang PREMIUM CONTRINUTION sa kaliwang bahali ng screen para lumabas ang summary ng iyong mga contributions.



OTHER ARTICLES:

Source: Philhealth
Paano i-check ang iyong Philhealth Contribution Online Paano i-check ang iyong Philhealth Contribution Online Reviewed by Issues PH on March 07, 2021 Rating: 5

1 comment:

Powered by Blogger.