Sunday, February 21, 2021

Paano magcomply sa Annual Pensioners Information Revalidation (APIR) Online

Ngayong 2021, ibinalik ng GSIS ang Annual Pensioners Information Revalidation o APIR. Ginawa itong mas-madali, pinasimple at ginawang online para masunod ng maayos ang Covid-19 protocols.
Pensioners must report to GSIS on their birth month in 2021 and it may be done online through Viber, FB Messenger, Skype or Zoom after texting (through SMS messaging) or emailing the GSIS to request the online interview schedule. This contactless method will protect them from possible COVID-19 transmission as well as ensure the continuous receipt of their pension,
sinabi ni Rolando L. Macasaet, President at General Manager ng GSIS.


Paano magcomply ONLINE sa APIR?

PAALALA: Ang pensioner ay dapat magcomply sa kanyang BIRTH MONTH. Hindi papayagan ang mga magcocomply na pensioner bago ang kanilang buwan ng kapanganakan.

Pumili ng online method na nais.
  • Text message
Kapag ang napili mo ay thru text, i-text ang mga sumusunod:
        Pangalan (Name)
    ✔    Araw ng Kapanganakan (Birthday)
    ✔    Nais na gamitin para sa interview: Viber, FB Messenger, Skype, o Zoom


I-send ito sa numero ng GSIS handling branch o unit (click HERE). Kapag nareceive na ng GSIS ang inyong text, ito ay magsesend ng scheduled interview para sa pensioner at kokompirmahin naman ito ng pensioner.
  • Email
I-email ang inyong kopya ng Unified Multi-Purpose ID (UMID) o temporary eCard Plus (with photo) o dalawang valid IDs kung walang UMID o eCard.

OTHER STORIES:
📍    Kapag ikaw ay SURVIVING SPOUSE
I-email ang iyong accomplished form ng Self-declaration na ikaw ay hindi na muling nagpakasal o may kalive-in/kinakasama (cohabited) na ibang tao. Para sa form click HERE.

📍    Kapag ikaw ay DISABLED PENSIONER
Ikaw ay dapat mag-email ng iyong orihinal na kopya ng iyong annual medical progress report sa iyong designated GSIS handling office.

📍    Kapag ikaw naman ay PENSIONER ABROAD
Magrequest ng schedule para sa APIR online gamit ang email.

📍    Kapag ikaw ay HOME-VISITED PENSIONER
Ang home-visited pensioner ay mga pensioner na nasa 80 years old pataas, may sakit, may disability o health issues na nakakaapekto sa kanilang pag-galaw.

Ang dapat mo naming gawin ay magrequest gamit ang Email o text para sa iyong online APIR schedule.

📍    Kapag ikaw ay BEDRIDDED o nakaCONFINE sa hospital o penal institution
Ikaw ay bibisitahin ng GSIS personnel para sa iyong APIR requirement. Ngunit dapat mo itong ipagbigay alam sa GSIS bago ang iyong birth month, maaring magsend ng request kasama ang mga mahahalagang impormasyon gaya ng eksaktong lokasyon at iyong contact number o ng iyong authorized representative.

Narito ang link ng APIR mobile number at emails: 
https://www.gsis.gov.ph/downloads/20210120-APIR_Mobile_Numbers.pdf?csrt=2556061876301731246

Kapag ayaw mo naman ng online, narito ang iba pang paraan:
  • GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) Kiosk
Pumunta lamang sa pinakamalapit na kiosk sa iyong birth month. Huwag kalimutang dalhin ang iyong UMID Card.

Ang mga GWAPS Kiosk ay makikita sa lahat ng GSIS offices, ilang Robinson’s malls, SM Supermalls at ibang major government offices.
  • Personal Appearance
Para sa mga nais magpersonal appearance, ikaw ay pumunta lamang sa kahit anong GSIS branch office o service desk sa buwan ng iyong kapanganakan. Huwag kalimutang dalhin ang iyong UMID Card o eCard Plus, kapag wala, magdala ng dalawang government-issued IDs.

Para sa ibang detalye o katanungan sa online APIR at iba pang impormasyon ukol sa GSIS benefits at services, maaring bisitahin ang GSIS website (https://www.gsis.gov.ph/); GSIS Facebook Page, @gsis.ph; o tawagan ang GSIS Contact Center sa 8847-4747 (kapag nasa Metro Manila) o 1-800-8-847-4747 (para sa Globe at TM subscribers) at 1-800-10-847-4747 (para sa Smart, Sun, at Talk ‘N Text subscribers).

Source: GSIS

No comments:

Post a Comment