Paano magbayad ng iyong PagIBIG Contributions, Savings at Loans gamit ang Gcash

Kapag ikaw ay Globe subscriber maari mong gamitin ang GCash para makapagbayad ng iyong PagIBIG contributions. Ito ay maari mong gamitin kahit wala kang internet data o Wi-fi access.


Kapag naman hindi ka Globe subscriber, maaring paring magregister sa GCash, i-download ang GCash app sa google play o app store.


Narito ang simpleng paraan para magbayad ng iyong PagIBIG contrinutions, savings at loans gamit ang GCash.

    📍    Pumunta sa GCash app at mag-login gamit ang iyong MPIN. 
    📍    I-click ang PAY BILLS sa home screen.
    📍    Sa biller categories, i-click ang GOVERNMENT.
    📍    Piliin ang PAG-IBIG.


    📍    Piliin ang program type (members’ contribution, modified Pag-IBIG II savings (MP2) or housing loan).
    📍    I-enter ang iyong PagIBIG MID o HLID (Housing Loan) Number.
    📍    I-enter ang halaga ng iyong babayaran.
    📍    Piliin ang period covered from at to
    📍    I-enter ang iyong email address (optional).
    📍    I-click ang NEXT.
    📍    Tignang maigi ang iyong payment confirmation, siguraduhing tama ang lahat ng detalye na iyong inilagay. Pagkatapos, pindutin ang CONFIRM.


Tandaan: May charge na convenience fee kapag gumamit ng GCash.

                      
Ikaw ay makakatanggap ng message na kino-confirm ang iyong payment transaction, kasama ang transaction receipt sa iyong email. Itago ang receipt bilang patunay ng iyong bayad.

Source: PagIBIG





Paano magbayad ng iyong PagIBIG Contributions, Savings at Loans gamit ang Gcash Paano magbayad ng iyong PagIBIG Contributions, Savings at Loans gamit ang Gcash Reviewed by Issues PH on February 13, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.