Kapag ikaw ay miyembro ng Home Development Mutual Fund or Pag-IBIG Fund alam mong importante na makapag hulog ka ng iyong contribution at loans sa tamang oras para maiwasang magkaroon ng penalty.
Para maiwasan ito, pinadali ng gobyerno ang pagbabayad nito, binuksan ang online payment channels kung saan ikaw ay gagamit lamang ng computer o cell phone.
Narito ang paraan kung paano magbayad gamit ang PagIBIG Website:
📌 Buksan ang PagIBIG online payment facility (click HERE) gamit ang iyong web browser.
📌 Buksan ang PagIBIG online payment facility (click HERE) gamit ang iyong web browser.
📌 Basahin at i-check ang box ng Data Privacy at i-click ang PROCEED.
📌 Piliin ang program type, kung ito ba ay regular savings, MP2 savings, housing loan, multi-purpose loan o calamity loan.
📌 Piliin ang iyong membership category (local o overseas).
📌 Ipasok ang iyong PagIBIG MID number, o housing account number (para sa housing loan).
📌 I-click ang VERIFY button. Ang iyong pangalan ay awtomatikong mapupunan kapag naverified na ang iyong membership o account number.
📌 I-enter ang halaga ng iyong babayaran. Tandaan, ikaw ay machacharged ng convenience fee ng 1.75%.
📌 Piliin ang period covered duration in months.
📌 Mamili kung saan mo nais mareceive ang iyong payment confirmation (SMS o email).
📌 I-check ang box na “I agree with the Terms and Conditions.”
📌 I-click ang NEXT.
📌 Tignang maigi ang iyong payment details, siguraduhing tama ang mga nilagay mong impormasyon. Pagkatapos, i-click ang PROCEED.
📌 I-click ang NEXT.
📌 Tignang maigi ang iyong payment details, siguraduhing tama ang mga nilagay mong impormasyon. Pagkatapos, i-click ang PROCEED.
📌 I-enter ang iyong credit/debit card details gaya ng card number, expiry date at CVV. Maari ding magbayad gamit ang PayMaya wallet (kapag ikaw ay may account).
📌 I-click ang PAY NOW para maprocess ang iyong transaction.
Also READ: Mga karaniwang tanong tungkol sa PagIBIG Housing Loan
Pagkatapos magbayad, maaring mag-login sa iyong Virtual Pag-IBIG account para tignan kung na-post na ang iyong bayad. Tadaan, minsan ito ay inaabot ng ilang araw bago ito makita sa iyong Virtual Pag-IBIG account.
Source: PagIBIG
Paano magbayad ng iyong PagIBIG Contributions, Savings at Loans gamit ang PagIBIG Website
Reviewed by Issues PH
on
February 07, 2021
Rating:
No comments: