Friday, February 19, 2021

Paano i-check ang iyong PagIBIG Contributions Online

Nais mo bang tignan kung magkano na ang iyong naihulog saiyong PagIBIG account, o i-check kung binabayaran nga ba ng iyong employer ang iyong monthly contribution?


OTHERE STORIES:

Hindi na kailangan pang pumunta at pumila sa PagIBIG branches, maari mo na itong makita gamit lamang ang iyong computer, laptop, tablet o cellphone at internet connection. Narito ang simpleng paraan kung paano i-check online.

Unang Hakbang:
Magsign-up para saiyong Virtual PagIBIG Account

📍       Kung ikaw ay isang miyembro ng PagIBIG, maari kang magsign-up ng Virtual PagIBIG account, kasama ang mga voluntary members, OFWs at Loyalty Card holders. Pumunta sa Virtual PagIBIG website (click HERE). Pagkatapos i-click ang Create Account. May lalabas na pop-up message, i-click ang Continue.

📍       Kapag wala kang Loyalty Card, maaring piliin ang create your account and activate online. I-click ang CLICK HERE.


📍       Punan ang mga hinihinging impormasyon at i-click ang PROCEED.


📍       May lalabas na pop-up message na sinasabing mag-sesend sa iyong phone number ng isang ONE TIME PIN (OTP). I-click ang OK, pagnareceive mo na an iyong OTPi-type ito, pagkatapos i-click ang PROCEED.


📍       Ikaw ay dederetso sa page na kung saan kailangang punan ang mga hinihinging karagdangang mga impormasyon. Kasama na rito ang pag-a-upload ng dalawang scanned copy ng iyong Valid IDs.


📍       Magpakuha rin ng picture na hawak mo ang iyong Valid IDs at i-upload ito. Pagkatapos, i-check ang box ng "I certify that..." at i-click ang SUBMIT.



Pangalawang Hakbang:
Antayin ang ACTIVATION ng iyong Account

📍       Pagkalipas ng ilang araw, makakareceive ka ng SMS na ang iyong PagIBIG Virtual Account ay activated na.

Paalala: Agad na palitan ang temporary password na i-senend saiyo para protektahan ang iyong account.

Pangatlong Hakbang:
I-check ang iyong Monthly Contribution

📍       Maglog-in sa iyong Virtual PagIBIG Account.
📍       I-click ang REGULAR SAVINGS (Mandatory Contribution) sa kaliwang bahagi ng screen.


Pagka-click ipapakita saiyo ang listahan at mga impormasyon ng iyong PagIBIG Contributions. Makikita mo ang mga trasaction dates, reference number, period covered at kung magkano na ang iyong naipong contribution.

Sample

Source: PagIBIG

No comments:

Post a Comment