Paano mag-transfer ng pera mula sa Landbank to Gcash

Maari kang mag-transfer ng pera papunta sa Gcash kapag ikaw ay mayroong Landbank iAccess (kung paano mag enroll click HERE). Pagkatapos mong mag enroll kaylangan mo ring ipa-activate ito (kung paano ipa-activate ang iyong iAccess account click HERE). 


Gamit ang iyong Landbank mobile banking app (madadownload ito sa Goggle Play o sa App Store) maari ka ng makapagpadala ng pera mula sa Landbank to Gcash ng hindi na kaylangang lumabas ng bahay at pumila. 

Landbank to GCash transfer via Landbank Mobile App

Sundan ang mga hakbang:

Unang hakbang:

Pumunta sa iyong Landbank mobile banking app gamit ang iyong cellphone at maglog-in sa iyong account. Pagkatapos ay pindutin ang FUND TRANSFER


Pangalawang hakbang:

Pindutin ang DESTINATION ACCOUNT

Piliin at punan ang mga sumusunod:
  • Bank – piliin ang GCASH
  • Account Number – ilagay ang Gcash number ng kukuha (recipient)
  • Receiver Name – ilagay ang buong pangalan ng kukuha
Pagkatapos, ipindot ang PROCEED.


Pangatlong hakbang:

Ilagay ang mga hinihinging impormasyon:
  • Amount – ikaw ay pwedeng maglipat/mag-transfer ng hanggang ₱50,000 kada transakyon
  • Transfer Channel – ang INSTAPAY ay default ng napipili
  • Purpose – piliin ang purpose ng iyong transakyon, maaring piliin ang PAYMENT
  • Receiver Mobile No. (optional)
  • Receiver Email (optional)
Pagnapunan na ang kaylangang detalye pindutin ang TRANSFER NOW. 


Pang-apat na hakbang:

Tignang maigi ang mga detalye ng iyong transakyon. Pag-ayos na ang lahat pindutin ang CONFIRM.
Ilagay ang one-time PIN na i-sesend saiyong registered mobile number at pindutin ang PROCEED.


Paalala: Ang transfer transaction ay dumaan sa Instapay kaya makukuha ng recipient ang pera sa kanyang GCash wallet. Ang sender at recipient ay parehong makakatangggap ng email o ng text na nagsasabing successful ang fund transfer.

Landbank to GCash transfer via Landbank iAccess website

Kapag wala kang Landbank mobile app o ayaw mong i-install ito, maari mong gamitin ang Landbank iAccess website. 

Sundan ang mga sumusunod na hakbang:

Unang hakbang: 

Buksan ang Landbank iAccess website (click HERE). I-click ang TRANSFER FUNDS sa kaliwang bahagi ng screen.


Pangalawang hakbang: 

Punan ang mga hinihinging impormasyon:

Select Source Account – piliin ang Landbank account, kapag ikaw ay may iba pang account
Select Target Account – piliin ang TRANSFER TO OTHER BANKS
Select a Bank – piliin ang GCash sa dropdown box
Receiver Name – ilagay ang pangalan ng kukuha (recipient)
Receiver Account No. – ilagay ang recipient’s GCash number
Receiver Address – ilagay ang home address ng recipient.
Receiver Email (optional)
Receiver Mobile No. (optional)
Purpose of Transfer – piliin ang purpose ng iyong transakyon. Maaring piliin ang PAYMENT
Amount – ikaw ay pwedeng maglipat/mag-transfer ng hanggang ₱50,000 kada transakyon
Select Transfer Type – piliin ang “Immediate” para masend ang pera agad o “Scheduled” para sa napiling ibang araw kung hindi agaran ang panga-ngaylangan (maaring gamitin ito sa pagbabayad ng mga monthly scheduled bills na gumagamit din ng GCash).
OTP Sending Options – piliin kung saan mo gustong mareceive ang OTP pwedeng SMS o email
Enter Remarks (optional) – Maari kang maglagay ng iyong mensahe para sa kukuha.

Pagkatapos, i-click ang SUBMIT.


Pangatlong hakbang: 

Tignang maigi ang mga detalye ng iyong trasaksyon, pag may papalitan i-click lang ang BACK. Kapag ayos na ang lahat i-click ang CONFIRM.


Pagna-click na ang Confirm ipra-process na ang iyong transaksyon. Ang sender at recipient ay parehong makakatangggap ng email o ng text na nagsasabing successful ang fund transfer.

Source: Landbank, GCash

Paano mag-transfer ng pera mula sa Landbank to Gcash Paano mag-transfer ng pera mula sa Landbank to Gcash Reviewed by Issues PH on January 11, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.