Paano mag-enroll sa Landbank iAccess (LBPIAccess)

Ano ang Landbank iAccess? 


Ito ay isang alternatibong banking channel para sa mga Landbank customers. Gamit ang internet, ang mga cutomers ay makakagamit ng Landbank banking services, gaya ng sumusunod:

Non-Financial:
  • I-manage ang iyong account.
  • Protektahan ang iyong account.
  • Tignan ang status ng mga check/s na iyong inilabas mula sa iyong kasalukuyang account.
  • I-calculate ang housing loan affordability base sa terms, nais na monthly amortization o monthly income.
  • I-manage ang mga kadalasang paid billers.
Financial:
  • Mag-order ng checkbooks sa iyong Current Account.
  • Mag-transfer ng funds.
  • Magbayad ng bills.
Sino ang pwedeng mag-apply ng Landbank iAccess?

Ang pwedeng mag-apply at gumamit ng Landbank iAccess ay mga individual depositors, single at joint accounts.
  • Savings Account with ATM access
  • Regular Current Account
  • Regular Interest-Bearing Current Account
  • Current Account with ATM Access
  • Interest Bearing Current Account with ATM Access
Tandaan: Ang mga Passbook accounts ay hindi maaring mag-apply. Samantala, ang joint “and” account enrollment at access ay limitado sa non-financial transactions.

Dalawang paraan para makaenroll sa Landbank iAccess:
  1. Online gamit ang Landbank iAccess
  2. Bisitahin ang pinakamalapit na Landbank branch

ONLINE ENROLLMENT:

Ito ay para sa mga ATM accounts at limitado sa mga non-monetary transactions. Ibig sabihin magagamit mo ang iAccess para tignan/i-check ang iyong account, mag-inquire sa iyong issued check/s at gamitin para i-report kapag nanakaw o nawala ang iyong ATM card. Hindi mo maaaring gamitin ito para magbayad ng bills at mag-transfer ng funds sa ibang account.

Para makapag-enroll online, sundan ang mga sumusunod na hakbang:

Unang hakbang:

Gamit ang iyong computer, tablet o cellphone pumunta sa Landbank iAccess portal.
Narito ang LINK: https://www.lbpiaccess.com/

Pangalawang hakbang:

Kapag nakapasok ka na sa portal, i-click ang SIGN UP NOW. 


Pangatlong hakbang:

Basahing maigi ang terms and conditions, at i-scroll down sa pinakababa at i-click ang I AGREE


Pang-apat na hakbang:

Fill-UPan ang dapat punan sa application form, maaring ilagay ang “n.a” (not applicable/available) sa mga hinihinging impormasyon na walang kasagutan o hindi applicable. Wag kalimutang sagutan ang mga security questions.

Para sa “Joint Account Indicator” ipindot ang “0” kapag single o individual account ipindot ang “1” o “2” kapag joint account. 


Pang-limang hakbang:

Basahin/tignang maiigi ang iyong inilagay na mga detalye, kapag ayos na i-click ang SUBMIT. 'Wag ding kalimutang i-click ang box ng "I'm not a robot" bago ito i-submit.


Pang-anim na hakbang: 

Pagkatapos mong ma-confirm may lalabas sa page na sinasabing ang iyong application ay successful.


LANDBANK BRANCH ENROLLMENT

Ito ay para sa ATM at sa mga Current accounts. Hindi gaya ng online application, ito ay magagamit para sa non-monetary o monetary transactions. Ibig sabihin maaari mo itong magamit para magbayad ng bills o mag-transfer ng pera sa ibang accounts gamit ang Landbank iAccess online banking facility.

Para makaenroll, sundan ang mga sumusunod na hakbang:

Unang hakbang:

Pumunta sa pinakamalapit na Landbank Branch at magdala ng valid ID, landbank ATM card, at ang iyong account number.

Pangalawang hakbang:

Magpunta sa New Accoutns section ng Landbank at sabihin mo sa officer na gusto mong mag-apply sa Landbank iAccess. Bibigyan ka ng Landbank iAccess Enrollment and Maintenance Agreement (LI-EMA) form at punan ang mga hinihinging impormasyon. Kapag meron kang iba pang account sa Landbank, maaari mong maaccess ang lahat sa iisang iAccess account.

Pangatlong hakbang:

Ibigay/ipasa ang iyong duly-accomplished at may pirmang LI-EMA form.

Pang-apat na hakbang:

I-paprocess ng officer ang iyong form at iba pang mga dokumento at sasabihin saiyo kung kelan ang araw ng activation ng iyong iAccess account. Antayin at sundin ang iba bang instruction ng iyong officer.


Source: Landbank
Paano mag-enroll sa Landbank iAccess (LBPIAccess) Paano mag-enroll sa Landbank iAccess (LBPIAccess) Reviewed by Issues PH on January 05, 2021 Rating: 5

6 comments:

  1. Pano po kung may dati ng i access na tapos limot ung account and password then ung email add na ibinigay di na maaccess po...pwedi po ba mag enrol panibago?

    ReplyDelete
  2. Paano po if nakaenroll na po dati ng I access..nakalimutan lAng po Ang password..at ung email add na binigay hindi na po maaccess..pwede po ba mag enroll muli..salamat po

    ReplyDelete
  3. I already have a current account and had enrolled in I access but that was unused 3 years ago, until now. I have the need of it, I had been to the nearest Land Bank branch here in our place last Wednesday to update my email add. But until now wala pa rin. What will I do next?

    ReplyDelete
  4. reset nyo po yung username and password nyo po.

    ReplyDelete
  5. Pano po kung may dati ng i access na tapos limot ung account and password then ung email add na ibinigay di na maaccess po...pwedi po ba mag enrol panibago?

    ReplyDelete
  6. Nag apply po ako ng i access kso ndi ko po ma activate dhil ang nailagay ko po email add ay ndi ko n ma open...pwd po b ako mag upd8 ng new email n active sa ngaun? Salamat po

    ReplyDelete

Powered by Blogger.