Paano i-Unblock ang na-blocked na LandBank ATM Card?

Para i-unblock ang iyong Landbank ATM Card, maari mong gawin ang isa sa mga sumusunod:


Option 1:

Para hindi na maabala pang pumila sa Landbank office, maaring tawagan ang LandBank's Customer Service Hotline.

Narito ang contact details:

☎ Telephone: (02) 405-7000 
(Ito ay 24/7 na Customer Service Hotline number)

Iba pang LandBank Contact Numbers:

☎    (02) 551-2200
☎    (02) 522-0000
☎    (02) 450-7001

Ang customer service ay magtatanong ng ilang mahahalagang impormasyon tungkol saiyong pagkakakilanlan, kaya maging handa sa mga katanungan.

Option 2:

Bisitahin ang pinakamalapit na LandBank branch sa iyong lugar. Magtungo sa Accounts section ng pinuntahang branch at humingi ng tulong sa bank officer.

I-request/hilinging i-unblock ang iyong ATM Card. 'Wag kalimutang magdala ng Valid IDs para sa pagkakakilanlan.

Option 3:

Ang pinaka madali sa lahat ay mag-antay ng 24-hours at kusang mag a-unblocked ang iyong ATM Card.

Ang paraang ito ay para lamang sa mga ATM Cards na na-blocked ng ATM machine. Ito ay hindi para sa mga na-blocked dahil hiningi mong i-blocked sa dahilang nawala ang iyong card o nanakaw.

Tandaan:
  • Kung kaylangan mo talagang mag-withdraw pero na-blocked ang iyong ATM Card, maari paring namang makawithdraw ng pera over-the-counter sa alin mang Landbank branch.
  • HINDI ka parin makakawithdraw kahit na ikaw ay lumipat/gumamit ng ibang ATM (machine), mananatiling na naka-blocked ang iyong ATM Card.

Mga TIPS para maiwasang malimutan ang iyong ATM Pin

πŸ“   Mag-isip ng PIN na madaling maalala, gaya ng mga mahahalagang araw at taon. Iwasang gamitin ang araw ng iyong kapanganakan dahil maaring marami ang nakakaalam nito.

πŸ“   Maaring i-save ang iyong PIN sa iyong cellphone o computer, pero siguraduhing ito ay naka-save sa password-protected folder o program.

πŸ“   Maaring gumamit ng mga numero ng inyong mga paboritong basketball player o volleyball player.

πŸ“   Maari ding gamitin ang inyong house number o street number.

πŸ“   Pwede ring i-save ang PIN sa contacts ng inyong mobile phone at mag-sip ng pekeng pwedeng ipangalan. Mag-isip ng pangalang madali ninyong maaalala.
Paano i-Unblock ang na-blocked na LandBank ATM Card? Paano i-Unblock ang na-blocked na LandBank ATM Card? Reviewed by Issues PH on January 01, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.