Paano i-activate ang fund transfer sa iyong Landbank iAccess

Kapag ikaw ay may Landbank iAccess account madali mo ng makikita ang status ng iyong account gaya ng balance at iba transaksyon. Pero, may ilang banking features gaya ng fund transfer at bill payment ang kinakailangang ipa-activate. 


Kung wala ka pang Landbank iAccess narito ang link kung paano mag-enroll: https://tinyurl.com/yxwo8g2z

Para ma-activate ang iyong account, sundan ang mga sumusunod na hakbang:

Unang hakbang:
I-download ang LI-EMA form


I-download ang Landbank iAccess Enrollment and Maintenance Agreement (LI-EMA) form. 
Para sa LI-EMA form i-click ito  ðŸ‘‰ LI-EMA Form


Pangalawang hakbang: 
I-print at punan ang form

I-print ang LI-EMA form sa A4 bond paper. Ito ay may apat na pahina kasama ang terms and conditions, 'wag ding kalimutang basahin ito. Punan ang mga hinihinging impormasyon at isulat ito sa BLOCK o CAPITAL LETTERS

[Refer to the image below for the correct procedure in filling out the enrollment form.]


Pangatlong hakbang:
Scan o kuhanan ng picture ang form at valid Id


I-check ng maigi ang iyong form, siguraduhing may pirma ka at tama ang lahat ng impormasyong nakalagay sa form. Pagkatapos, ipa-scan ang form o kunan ng picture gamit ang iyong cellphone, siguraduhing malinaw at maayos ang pagkakuha ng picture.

Magpascan o kuhanan din ng picture ang iyong valid ID. I-save ang mga pictures sa JPG, PNG o PDF files.

Pang-apat na hakbang:
I-email ang mga dokumento sa iyong servicing branch


Buksan ang iyong email at i-send ang scanned copy o picture ng enrollment form at valid Id sa iyong servicing branch.


Sample only 

Para sa listahan ng email address at location ng iba’t ibang Landbank branch i click ito ðŸ‘‰ List of Landbank Branches

Panglimang hakbang:
Antayin ang activation

Antayin ang iyong servicing branch para i-validate at i-process ang iyong activation request. Ito ay kadalasang umaabot ng 3 banking days, maliban kung ang Landbank ay mag-request pa ng karagdagang impormasyon.

Ikaw ay makakatanggap ng email mula sa lbpiaccess@mail.landbank.com pagna-activate na ang iyong fund transfer feature.

Pagna-activate na ang fund transfer feature sa iyong Landbank iAccess, ikaw ay madali ng makakatransfer ng pera mula sa iyong Landbank account papunta sa ibang bangko gaya ng BDO at BPI.

Maglog-in lang sa iyong Landbank iAccess o mobile app para sa mga transaksyon.

Source: Landbank
Paano i-activate ang fund transfer sa iyong Landbank iAccess Paano i-activate ang fund transfer sa iyong Landbank iAccess Reviewed by Issues PH on January 08, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.