Saturday, December 05, 2020

Paano kumuha ng UMID Card or Unified Multi-purpose ID Card

Para saan ba ang UMID?
Bawat  mamayang Pilipino na nasa legal na edad ay dapat mayroong Government Issued ID, at isa dito ang UMID or Unified Multi-purpose ID Card. Ito ay magagamit sa maraming pagkakataon dahil kinikilala ang UMID sa iba't ibang government offices. Isa ito sa tinatanggap bilang valid id para sa pag kuha ng PASSPORT, NBI clearance, Seaman’s Book at iba pa.


Paano ba makakakuha ng UMID?
Kung ikaw ay isang OFW, self employed o pribadong manggagawa, ang UMID ay makukuha sa opisina ng SSS (Social Security System). At kung ikaw naman ay nagtatrabaho o manggagawa ng gobyerno, maaari mong makuha ang UMID sa GSIS Enrollment Center.

Paano makakuha ng UMID?

Para sa mga SSS members:

  • Ihanda ang kinakailangan dokumento sa pag kuha ng UMID
Isang primary ID:
πŸ‘‰Driver’s License
πŸ‘‰Passport
πŸ‘‰Professional Regulation Commission (PRC) card
πŸ‘‰Seafarer’s Identification and Record Book (SIRB), or Seaman’s Book

Kung walang Primary ID, maaring magdala ng alinmang dalawang Valid ID na nakalista sa ibaba:    
➧Postal ID
➧School or Company ID
➧TIN Card    
➧Membership Card issued by Private Companies
➧OWWA Card
➧Senior Citizen card
➧Voter’s ID card/Affidavit/Certificate of Registration with COMELEC
➧Alien Certificate of Registration
➧ATM card with cardholder’s name; or bank certification if without cardholder’s name
➧Birth Certificate
➧Bank Account Passbook
➧Baptismal Certificate
➧Credit card
➧Firearm License Card issued by the PNP
➧Fishworker’s License issued by BFAR
➧GSIS Card/Member’s Record/Certificate of Membership
➧Health or Medical Card
➧Pag-IBIG Member’s Data Form
➧ID Card issued by LGUs (e.g., Barangay/Municipality/City)
➧ID Card issued by professional associations recognized by the PRC
➧Life Insurance Policy
➧Marriage Contract/Marriage Certificate
➧NBI Clearance
➧PhilHealth Member’s Data Record
➧Police Clearance
➧Seafarer’s Registration Certificate issued by POEA
➧Student Permit issued by the LTO
➧Transcript of School Records
➧Certificate from National Commission on Indigenous Peoples or Office of Muslim Affairs
➧Certificate of Licensure/Qualification documents from MARINA
➧Certificate of Naturalization from BI
➧Birth/Baptismal Certificate of child/children or its equivalent
    
  • Kumpletohin ang SSS UMID card application form
Maari makakuha ng UMID form sa opisina ng SSS o mag Download ng UMID form gamit ang Link na ito: https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent?fileName=umid-form.pdf
  • Ipasa ang mga kailangan dokumento sa pinakamalapit na sangay ng SSS sa iyong lugar.
  • Matapos ipasa ang dokumento magpakuha ng litrato, ipa-scan ang fingerprints, at pumirma para sa iyong UMID.
  • Walang dapat bayaran sa pagkuha ng UMID sa unang pagkakataon.
  • Hintaying maipadala ang iyong UMID card sa iyong bahay sa loob ng 30 araw.
  • Kapag natanggap na ang UMID, ipa-activate ito sa kahit na saang sangay ng SSS.
BASAHIN: Paano i-check ang STATUS ng iyong UMID Card Application


Para sa mga GSIS member:
  • I-download ang GSIS UMID e-card enrollment form at sagutan ito. 
Maaring idownload ang form gamit ang link na ito:
https://www.gsis.gov.ph/downloads/forms/20140818-FORM-UMID_ECARD_ENROLLMENT_FORM.pdf
  • Ipasa ang sinagutang form kalakip ang dalawang ID sa e-Card enrollment area ng pinakamalapit na sangay ng GSIS.
  • Magpapadala ng text message mula sa GSIS  kung saan mo makukuha ang iyong UMID.
  • Kapag nakuha na ang UMID maari na din ito ipa-activate sa GSIS.

No comments:

Post a Comment