Paano mag-enroll sa FREE TESDA Courses Online

Gamit ang iyong computer, laptop, tablet o cellphone maari kang maka-enroll sa FREE TESDA online course, siguraduhin lamang na ikaw ay may magandang internet connection.




Narito ang dapat mong gawin:

Unang Hakbang:
Magsign-up at i-activate ang iyong Account

📌    Mag-fill-up ng form sa TESDA Website para makagawa ng account (click HERE).


📌    Kapag napunan na ang mga hinihinging impormasyon. Piliin ang AGREE sa Privacy Disclaimer, sagutan ang Captcha o Security Question, pagkatapos ay i-click ang Create my new Account.


📌    I-check ang email para sa activation instructions. Kapag wala kang nareceive na email galing sa TESDA pagkaraan ng ilang minuto, subukang tignan sa iyong Spam folder.

📌    Buksan ang ipinadalang email na may subject na TESDA Online Program: account confirmation at i-click ang link na nasa email.


📌    Kapag na confirm na, i-click ang CONTINUE.


* Ikaw ay deretsong nakalog-in na sa iyong account.

Pangalawang Hakbang:
Mag-enroll sa napiling TESDA Course

📌    I-click ang COURSES sa kaliwang bahagi ng menu.



📌    I-click ang Expand all para makita ang iba pang courses na offer ng TESDA.


📌    I-click ang napiling course, lalabas ang summary ng iyong magiging aralin, pagkatapos i-click ang ENROLL ME.


Kapag naka-enroll ka na makikita mo ang mga lessons o modules ng iyong napiling course. Ang mga aralin ay karaniwang ibinibigay ng utay-utay. Kapag nabasa o napanood mo na ang mga videos ng iyong naunang aralin, mamamarkahan ito ng "check" at maari mo ng buksan ang iyong susunod na aralin.


Paalala: ‘Wag kalimutang i-check ang inyong email para lagi kang updated sa mga instructions ng TESDA.

Pangatlong Hakbang:
Kumuha ng Certificate of Completion

‘Pag natapos mo na ang iyong course, sa iyong pinakahuling aralin, bibigyan ka ng computer generated na Certificate of Completion

Sa ibang courses gaya ng Cookery NC II na nangangailangan ng Final Assessment, kapag ikaw ay handa na, maari ka ng magpaschedule ng face-to-face assessment sa pinakamalapit na TESDA-accredited assessment center para makuha mo ang iyong National Certification.


OTHER STORIES:

Source: TESDA
Paano mag-enroll sa FREE TESDA Courses Online Paano mag-enroll sa FREE TESDA Courses Online Reviewed by Issues PH on December 30, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.