Tuesday, December 29, 2020

Paano mag-apply sa PRC Online Registration at Application

Ipinatupad ng PRC ang Licensure Examination and Registration Information System (LERIS) para  mapabilis ang pagpoproseso ng examination applications, initial registration para sa issuance ng licenses, at license renewals.


Para makapagregister ihanda ang sumusunod:
  • Email Address (preferably Gmail)
  • Mobile Number
  • Personal na mga impormasyon
  •  2x2 ID Photo, white background, naka .jpg format (maaari ring ipa-scan ang ID)
  • Valid ID Card
Kapag handa na ang lahat maari ng simulan ang pagpaparehistro sa PRC gamit ang PRC LERIS. 

Paraan kung paano mag-online Registration

Unang hakbang:

Pumunta sa PRC LERIS website gamit ang LINK na ito: https://online.prc.gov.ph/
(Kapag ikaw ay may lumang account sa dating system sa www.prc-online.com, ang iyong account ay hindi na active, kaylangan ng mag-register ng panibago.)


Pangalawang hakbang:

Basahin ang terms at conditions sa kanang bahagi ng screen. I-scroll down sa pinakababa hanggang makita ang I AGREE at i-click ito. 


Pangatlong hakbang:

Punan lahat ang mga hinihinging detalye kapareho ng nasa iyong Notice of Admission o Personal Identification Card, pagkatapos i-click ang REGISTER
(Your password must be at least 6 characters long and must include at least 1 letter, 1 number and 1 special character.) 


Pang-apat na hakbang:

Para sa susunod na page, maaring ipasok o i-edit ang iyong mga personal na impormasyon. Maliban sa mga impormasyon na iniligay mo sa ikatlong hakbang, kailangan mo ring ibigay ang iyong permanent mailing address, mother’s name at citizenship, name of school, degree/course, date of graduation, valid ID, at iba pang mahahalagang impormasyon. May pagkakataon ka pang baguhin at i-edit ang mga impormasyon na iyong nailagay sa susunod na page. 


Pang-limang hakbang:

I-click ang SAVE INFORMATION pagkatapos punan ang mga kinakailangang impormasyon.


Pang-anim na hakbang:

I-UPLOAD ang iyong ID photo, i-click ang blue button gaya ng nasa larawan.


Pang-pitong hakbang:

Basahin ang photo requirements. Ang iyong ID photo ay dapat 2x2 ang sukat, white background at dapat hindi kinunan ang larawan mahigit sa anim na buwan, pagkatapos i-click ang PROCEED


Pang-walong hakbang:

I-click ang CHOOSE FILE at hanapin ang .jpg file ng iyong photo. I-click ang Select file pagkatapos i-click ang OPEN para ma-upload ang iyong photo. Kapag na-upload na pwedeng i-Zoom-in o Zoom-out ang iyong ID para sumakto sa light grey box. Kapag ayos na, i-click ang UPLOAD IMAGE. 


Pang-siyam na hakbang:

I-click ang SELECT TRANSACTION. Lalabas sa screen ang mga transaction types na maari mong pagpilian. 


Pang-sampung hakbang:

Piliin ang transaction na nais. (Examination application, initial registration, o PRC ID renewal), pagkatapos ay punan ang mga hinihinging mga detalye. Para matapos ang transaction  kaylangang bayaran ang kaukulang bayarin.

Paano magsagawa ng transaction at bayaran ang kaukulang bayarin

Unang hakbang:
Punan ang mga kinakailangang punan base sa iyong transaction tyaka i-click ang PROCEED.

Pangalawang hakbang:
Pumili ng iyong nais na PRC Regional Office at i-click ang PROCEED.


Pangatlong hakbang:
Pumili ng Payment Option at i-click ang SUBMIT.


Pang-apat na hakbang:
I-check/suruing mabuti ang mga detalye saiyong transaction at i-click ang SUBMIT.

Pang-limang hakbang:
I-CHECK ang box sa tabi ng “I certify that I am at least 18 years old and have read, understood, and agreed to the Terms and Conditions.” Pagkatapos i-click ang OK para magpatuloy sa iyong pagbabayad.



Pang-anim na hakbang:
Maaring i-click ang PRINT para maiprint ang iyong transaction details o i-click ang OK para magpatuloy.

Pang-pitong hakbang:
Ipapakita sa screen kung ang iyong payment transaction ay tagumpay o hindi. Kapag matagumpay i-click ang GO BACK TO PROFILE.

Pang-walong hakbang:
Para i-print ang iyong PRC online application, i-click ang EXISTING TRANSACTIONS sa kaliwang bahagi ng iyong profile page, piliin ang transaction at i-click ang PRINT DOCUMENT.


Pang-siyam na hakbang:
Para maprint ang form, i-click ang printer icon.


Pang-sampung hakbang:
'Wag kalimutang maglog-out kapag ikaw tapos na. Magtungo sa iyong napiling PRC Regional Office sa ibinigay na araw at oras para ipasa ang mga dokumentong kaylangan. 'Wag kalimutang kompletuhin ang mga dokumentong kaylangan lalo na sa kukuha ng EXAM. 

'Wag ding kalimutang dalhin ang iyong na-print na PRC Online Application Form.


Source: Professional Regulation Commission (PRC)

No comments:

Post a Comment