Saturday, December 19, 2020

Paano mag-apply ng PagIBIG Salary Loan

Ang PagIBIG Salary Loan or Multi-Purpose Loan ay isang programa na nagbibigay tulong pinansyal sa mga miyembro ng PagIBIG. 


Narito ang inyong dapat gawin:

Unang Hakbang:
Alamin ang mga kaylangan para maging kwalipikado

📌    Ikaw ay dapat na nakapaghulog ng hindi bababa sa 24 monthly contributions o savings.
📌    Ikaw ay dapat nakakapaghulog ng kahit “isa” sa iyong contribution sa huling anim (6) buwan.
📌    Kung ikaw ay may umiiral pang PagIBIG loan, hindi dapat ito “default” sa petsa ng aplikasyon.
📌    Ikaw ay mayroong sapat na patunay ng iyong kinikita (income).
📌    Photocopy ng dalawang (2) Valid IDs.

Pangalawang Hakbang:
Alamin kung magkano ang pwede mong mahiram


Ang mga kwalipikadong miyembro ay maaaring makahiram ng halaga batay sa mga sumusunod:
📍    Ang nais mong halaga.
📍    Loan Entitlement na 80% ng iyong Total Accumulated Value (TAV). Alamin ang kabuuan o total ng iyong contributions, at 80% nun ang maari mong hiramin.
📍    Borrower’s Net Take Home Pay (NTHP) o ang iyong kapasidad na makapagbayad.

Pangatlong Hakbang:
Mag-fill up ng Multi-Purpose Loan Application Form (MPLAF)


👉    Maaring makuha ang application form sa kahit saang PagIBIG branch at maari ring i-download sa PagIBIG website

Narito ang link: https://www.pagibigfund.gov.ph/document/pdf/dlforms/providentrelated/SLF065_MultiPurposeLoanApplicationForm_V04.pdf

👉    Kompletuhin ang “Promissory Note” na makikita sa pinakababa o ilalim ng form. Kaylangan ng dalawang witness para pumirma sa form. Kapag kapamilya ang pipirma, siguraduhing ang kanilang apilyedo ay iba sa iyo.
👉    Tapusin ang Certificate of Net Pay Details. Ito ay makikita sa pangalawang pahina ng application form.
👉    Kapag ikaw naman ay self-employed, kaylangan ng photocopy ng iyong Business Mayor’s Permit, Commission Vouchers at iba pang magpapatunay ng iyong kinikita (income).
👉    Wag kalimutang i-attach ang photocopy ng iyong payroll account/disbursement card/deposit slip.

Pang-apat na Hakbang:
Ipasa ang iyong Application Form sa PagIBG office


    Ipasa ang kompletong application form at mga dokumentong kaylangan sa pinakamalapit na sangay ng PagIBIG. Ikaw ay bibigyan ng PagIBIG Citi Prepared Card, dito ihuhulog ang iyong hiniram (loan).
✅    Ang pag-proseso ay karaniwang inaabot ng isa o dalawang linggo. Kapag ang iyong contribution ay “consolidated,” ito ay aabutin ng hanggang 23 working days.

Ika-limang Hakbang:
Maari mo ng makuha ang iyong hiniram sa pamamagitan ng mga sumusunod:


💰    Sa iyong PagIBIG disbursement card
💰    Sa iyong bank account gamit ang Landbank’s payroll credit system
💰    Cheque na nakapangalan sa iyo, atbp.


Narito ang kadalasang tanong ukol sa PagIBIG Salary Loan or Multi-Purpose Loan, i-click ang LINK at basahin: https://www.issuesph.com/2020/12/mga-dapat-malaman-ukol-sa-pag-ibig-fund.html


Source: PagIBIG Fund

2 comments:

  1. Good day po paano malalaman kung approve ang loan ko kc wl nmn po kahit email or txt .

    ReplyDelete
  2. Nais ko po sanang marenew ang loan ko..pwede ba malaman kung paano ko malaman ang utang ko...kasi di nkapasok.sa payroll deduction

    ReplyDelete