Thursday, December 10, 2020

Paano mag-apply ng National ID o Philsys

Ang sumusunod na hakbang ay base sa Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 11055 o ang Philippine Identification System Act:


RELATED ARTICLE:

Unang hakbang:
Mag-register para sa National ID Online

πŸ‘‰ Kapag ikaw ay kasali sa mga nauna ng nakapagregister dahil sa house to house collection, hindi mo na kaylangang magregister muli sa online.

πŸ‘‰ Para naman sa mga wala pa, gamit ang iyong mobile phone, computer o tablet pumunta sa Philippine National ID registration website o CLICK HERE. Basahin ang lalabas sa iyong screen pagkatapos, i-click ang PROCEED.


πŸ‘‰ Sa iyong screen i-type ang hinihinging email address o phone number at lagyan ng check mark ang box na katabi ng i'am not a robot o sagutan ang Captcha. Pagkatapos i-click ang SEND OTP (one time pin).


πŸ‘‰ May masesend sa iyong email o mobile number na PIN at sa loob ng limang minuto kaylangang ma-verify mo ito.

Tandaan: Kapag email ang iyong ilalagay, mas mainam buksan na ito, para pag senend ang iyong OTP, mas madali mo itong makikita.


πŸ‘‰ Kapag na-verify na, lalabas sa iyong screen ang Privacy Notice, basahin at pagkatapos ay i-click ang I AGREE.


πŸ‘‰ Punan ang Form na lalabas sa iyong screen pagkatapos i-click ang NEXT.

Narito ang listahan ng mga hinihinging impormasyon:
  • First Name
  • Middle Name
  • Last Name
  • Suffix (optional) – If your name has a suffix like Sr., Jr., III.
  • Sex – Choose either “Male” or “Female.”
  • Filipino or Resident Alien – Choose “Filipino” unless you are a foreigner residing in the Philippines.
  • Marital Status – Also known as your civil status.
  • Blood Type – If you don’t know your blood type, choose “Unknown.”
  • Date of Birth – Enter your birthdate in YYYY/MM/DD format
  • Age – Your age will be automatically filled out after entering your date of birth.
  • Birth Country
  • Birth Province
  • Birth City/Municipality
  • Permanent Address
  • Country
  • Province
  • City/Municipality
  • Barangay
  • Address – Enter your house/apartment number, street and subdivision (if applicable).
  • ZIP Code – The system will automatically enter the ZIP code based on your address.
  • Present Address – This is where you are currently residing. Check the Same as the Permanent Address box if your present address is the same as your permanent address. Otherwise, provide your present address.
  • Deliver my PSN/PhilID to – Choose whether to have your PhilID card delivered to your permanent address or to your present address (if they are different).
  • Mobile Number (optional but highly recommended)
  • Email Address (optional but highly recommended) – Enter your email to receive an email notification with your application number.

πŸ‘‰ Pagkapindot ng Next, lalabas sa iyong screen ang PREVIEW ng iyong mga inilagay na impormasyon, tignang maigi. Kung may pagkakamali, i-click lamang ang BACK para balikan at i-tama ito. Pag-ayos na ang lahat, i-check lamang ang box ng  “I have duly reviewed the entries in this preview page…” Pagkatapos, i-click ang CONTINUE.

πŸ‘‰ Pagkapindot ng Continue, may lalabas na notice sa iyong screen "Minors (below 18 yrs old...,"  i-click ang NEXT.


πŸ‘‰ Wag kalimutang i-SAVE ang iyong application. Pagka-save, lalabas sa iyong screen ang iyong application ID, appointment date at status. Nangangahulugang tapos mo na ang STEP 1 ng Phil ID registration.

Paalala: Kapag ang iyong lugar ay wala pang available na registration center, abangan ang announcements mula sa gobyerno o local government units para sa opening of booking appointments. Ito ay para sa STEP 2 ng pagproseso ng iyong  National ID.


I-click lamang ang "create new application" na nasa kanang bahagi ng iyong screen kung sakaling may nais ka pang i-register na ibang tao (gaya ng iyong anak). 'Wag kalimutang mag-logout kapag ikaw ay tapos na.

Kapag nais tignan ang status o may dapat baguhin sa iyong application bisitahin lamang ang Philippine National ID Registration Website at mag-log-in gamit ang iyong iniregister na email o mobile number.

Paalala: Sa ngayon iilang cities/municipalities pa lamang ang may available ng APPOINMENT SCHEDULES. Narito ang listahan  πŸ‘‰CLICK HERE.

Maaring ding i-check ang official facebook page at website ng PhilSys para sa mga updates.


Pangalawang hakbang:
Pumunta sa naitalagang Registration Center sa inyong lugar sa araw ng iyong Appointment

Sa pangalawang hakbang, dito iva-validate ang iyong mga impormasyon at biometrics (iris, fingerprint scans, front-facing photograph). 'Wag kalimutang dalhin ang iyong mahahalagang dokumento at Appointment reference Number.

    Narito ang listahan ng mga dokumentong kaylangan:

✅    Birth Certificate mula sa PSA (dating NSO)
✅   Isang government-issued ID na naglalaman ng buong pangalan, larawan, pirma o thumb mark; o 
                πŸ‘‰Valid Philippine passport
                πŸ‘‰Unified Multi-purpose Identification (UMID) mula sa SSS o GSIS; o
                πŸ‘‰Iba pang dokumento na inaprobahan ng PSA

Pangatlong hakbang:
Antayin ang iyong PhilSys Number at PhilCard

Sa puntong ito, antayin na lamang ang ipapadalang PhilSys Number at PhilSys ID sa inilagay mong delivery address. 'Wag na wag mong ipagkakalat sa iba ang iyong PhilSys Number, bagkus, kapag ikaw ay may transaction gamitin ang PhilSys Card Number (PCN) na nakalagay/nakaprint sa iyong ID Card, ito ang public version ng iyong PSN.

Para sa iba pang katanungan, mag-send ng message sa kanilang facebook page o mag-email sa info@philsys.gov.ph o tumawag sa Philsys Hotline Number 1388.

Source: Philippine Statistics Authority

OTHER ARTICLES:

No comments:

Post a Comment