Friday, December 18, 2020

Paano mag-apply ng GSIS loan sa Online

Nagsimulang tumanggap ang GSIS ng loan application sa online noong March, 2020. Ang mga GSIS members at pensioners ay pwede ng mag-apply ng Consoloan, Policy Loan at Pension Loan via online. 


Narito ang simpleng paraan:

Unang Hakbang:
I-download ang loan form na iyong kaylangan


Narito ang LINK ng iba't ibang forms ng GSIS: 
https://www.gsis.gov.ph/downloadable-forms/?csrt=18121190312527622821

Pangalawang Hakbang:
Punan ang mga dapat punan at ihanda ang kopya ng mga sumusunod sa JPEG o sa PDF file


👉    Na-fill-apang application form
👉    Picture na hawak ang iyong GSIS UMID eCard o temporary eCard
(Siguraduhing malinaw ang pagkakakuha sa picture) 
👉    Kapag walang GSIS UMID eCard o temporary eCard, maaaring magpakita ng dalawang (2) Valid IDs, gawin ang sumusunod: 
  • Kunan ng malinaw na picture ang dalawang IDs (harap at likod) at;
  • Magpakuha ng picture hawak ang dalawang IDs, siguraduing malinaw ang pagkakakuha
Pangatlong Hakbang:
I-email ang mga dokumento, para sa "subject" sundan ang nasa larawan:

 
Photo credit: gsis

Photo credit: gsis

NOTE: Ang iyong BP Number ay makukuha sa iyong naitalagang Agency Authorized Officer (AAO) o sa Electronic Remittance File ( ERF) handler. Maari ding tumawag sa GSIS Contact Center (847-4747) o kaya ay lumapit sa kahit na sinong miyembro ng Assistance Unit sa pinakamalapit na GSIS office.

Pang-apat na Hakbang:
Ipadala ang mga dokumento (maximum of 2MB per email) sa mga sumusunod:


📍    NCR (Kasama ang Quezon City, Cavite at Rizal province):
📧    gsisncr@gsis.gov.ph

📍    North Luzon:
📧    gsisnorthluzon@gsis.gov.ph

📍    South Luzon:
📧    gsissouthluzon@gsis.gov.ph

📍    Visayas Area:
📧    gsisvisayas@gsis.gov.ph

📍    Mindanao Area:
📧    gsismindanao@gsis.gov.ph


👉    Pagka-send ng iyong email, antayin ang mga sumusunod:
  • Isang email acknowledgement mula sa GSIS
  • Tentative Loan Computation at Loan Conformity 
  • Notification o paalala ng incomplete at/o non-compliant na dokumento (if applicable) 
👉    Para sa mga aktibong miyembro, kapag na sumite na ang Loan Conformity, ito ay ipapadala ng GSIS sa inyong naitalagang Agency Authorized Officer (AAO) para sa certification.

1 comment:

  1. hello po ask ko lang po kung may isusubmit pa kami sa agency namin o kayo na po .Thank you po

    ReplyDelete