Nakalimutan mo ba ang iyong SSS number?
Hindi na kaylangang mag-apply ng panibago, sa halip pwede itong makuha muli. Narito ang iba’t ibang paraan para muling makuha ang iyong SSS number.
1. Kung ikaw ay isang mang-gagawa, maari mong tignan sa iyong company ID
May ilang mga kumpanya na nag-priprint ng SSS number ng kanilang mga empleyado, pati TIN numbers, at iba pang mga impormasyon sa ID ng kumpanya. Maaaring ang iyong SSS number ay nakalagay sa iyong company ID.
2. Maaring tignan o hanapin ang iyong lumang SSS ID
Kung mayroon ka pa ng lumang SSS ID na inisyu ng SSS bago mag 2011, mahahanap mo ang numero ng SSS sa ibaba ng iyong pangalan.
3. Maaring tignan saiyong E-1 form
Kung ikaw ay nag-apply ng SSS number noong 2015 o mas maaga at naitago mo pa ang iyong kopya ng E-1 form, ang iyong SSS number ay nasa kanang bahagi sa itaas ng form.
Photo credit: foundation08.blogspot.com
4. Tignan ang iyong email
Kung ikaw ay nag-apply noong 2016 pataas, hanapin ang email message galing sa SSS na naglalaman ng iyong SSS number.
5. I-access ang iyong SSS online account
Kung mayroon kang SSS online account, mag-log in sa SSS Member Portal. Maaari mong tingnan ang iyong numero ng SSS sa ibaba ng iyong pangalan sa kaliwang sulok sa itaas ng pahina.
Photo credit: sunstar.com.ph
6. Tanungin ang iyong HR department/employer
Ang HR ay kadalasang may tinagong mahahalagang impormasyon tungkol sayo, kasama na ang iyong SSS number na ginagamit ng kumpanya upang mai-remit ang iyong monthly contribution.
Photo credit: blog.verifirst.com
7. Maaaring tumawag sa SSS
Tumawag sa SSS call center hotline sa: (02) 920-6446 to 55.
Available ang hotline 24 hours mula Lunes hanggang Biyernes.
Puwede ring mag email sa: member_relations@sss.gov.ph
Kasama ang iyong kompletong pangalan, araw ng kapanganakan, at larawan ng iyong Valid ID
Photo credit: ricksdailytips.com
7. Bisitahin ang anumang sangay ng SSS
Kung wala lahat ang mga nauna, ang pinakahuling paraan ay pumunta sa Member’s Assistance Section sa isang sangay ng SSS.
Magdala ng dalawa o higit pang Valid Id’s, dapat kita ang iyong larawan at lagda at higit sa lahat hindi expired.
Photo credit: filipinotimes.net
Paano ma-reretrieve ang SSS number kung ito ay nakalimutan o nawala
Reviewed by Issues PH
on
December 07, 2020
Rating:
No comments: