Paano kumuha ng PagIBIG number?

Maari mong makuha ang iyong PagIBIG number sa pamamagitan ng text, tawag, email o chat. Ito ay maaring abutin ng dalawa hanggang tatlong araw para ma-process ng PagIBIG ang iyong aplikasyon at ma-verify ang iyong personal na impormasyon.


Narito ang mga simpleng paraan kung paano kumuha ng PagIBIG Number:


Mag send ng "request" sa pamamagitan ng text message

📍    Sundan ito: IDSTAT<space>Your RTN<space>Your Birthday in MM/DD/YYYY. 

                                Halimbawa: IDSTAT 123456789123 12/24/1979

📍    Kapag ikaw ay Globe o TM subscriber i-send ito sa  0917 888 4363.
📍    Kapag ikaw ay Smart, Talk n' Text o Sun subscriber i-send ito sa 0918 888 4363.


Tawagan ang PagIBIG Hotline

📍    I-dial ang (02) 8-724-4244
            (For faster inquiry, press 1 then 3 when prompted.)

📍    Paalala, kaylangan mong ibigay ang sumusunod na impormasyon:
  • Kompletong pangalan
  • Mother's maiden name
  • Araw ng kapanganakan
  • Employment status                              
📍    Maghanda ng papel kung saan mo pwedeng isulat ang ibibigay na PagIBIG MID Number at PagIBIG Registration Tracking Number (RTN).


Mag-send ng Email

📍    Kapag ikaw ay may email, maaring i-send ang iyong request sa contactus@pagibigfund.gov.ph

📍    Huwag kalimutang ibigay ang buong pangalan, araw ng kapanganakan, at address.

Paalala: Ang tugon ng PagIBIG ay maaring abutin ng isang araw. Maghanda rin ng Valid IDs para sa iyong pagkakakilanlan.

📍    Maari ding mag-fill up ng "Email Us form"
        Narito ang LINK: https://www.pagibigfund.gov.ph/contactus.html

📍    Huwag kalimutang i-type ang Code (nasa tabi ng SEND button) bago i-click ang SEND.


Maaring i-message ang PagIBIG Facebook

Bisitahin ang PagIBIG Fund Facebook page at mag-send ng request, huwag kalimutang ibigay ang mga sumusunod na impormasyon: 
  • Kompletong pangalan
  • Mother's maiden name
  • Araw ng kapanganakan
  • Employment status

Bisitahin ang pinakamalapit na sangay ng PagIBIG

Kapag ikaw ay may oras, maaring bisitahin ang alin man sa sangay ng PagIBIG para kumuha ng iyong PagIBIG Number.


Source: PagIBIG Fund
Paano kumuha ng PagIBIG number? Paano kumuha ng PagIBIG number? Reviewed by Issues PH on December 20, 2020 Rating: 5

2 comments:

  1. Paano po malalaman kung approve yung loan kc po nag calamity po ako yung mga kasamahan ko po meron n ako wla p eh magkakasabay lng nmn kmi nag file.

    ReplyDelete

Powered by Blogger.