Para sa Active Member/Old Age at Survivorship Pensioner na naka-base sa Pilipinas
Pagkakuha ng inyong temporary ecard:
π Pakipag-ugnayan sa Frontline Lobby Officer para i-activate ang inyong temporary card manually.
π Ipakita/i-presenta ang ecard o dalawang valid government IDs.
π Ang officer na naka-duty ang bahalang mag-activate ng inyong card.
Pakakuha ng inyong eCard Plus/UMID Card:
π Pumunta sa kahit saang GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosk na matatagpuan sa ilang shopping malls o mga major government offices.
π Ilagay ang inyong eCard Plus sa GWAPS Kiosk Card reader.
π Pindutin ang screen upang pumili sa alin man sa iyong pre-registered na daliri.
π Dahan-dahang ilagay ang pre-registered na daliri sa fingerprint scanner para ma-activate ang inyong card.
Para sa mga baguhan (first time):
Pagkakuha ng inyong LBP issued ecard:
π Pumunta sa kahit saang GSIS Wireless Automated Processing System (GW@PS) kiosk.
π Pindutin ang screen upang pumili sa alin man sa iyong pre-registered na daliri.
π Dahan-dahang ilagay ang pre-registered na daliri sa fingerprint scanner para mag-activate ang inyong ecard Plus.
Para sa mga nag-transfer ng kanilang GSIS banking services sa LBP:
π Antayin ang text mula sa LBP na sinasabing ang iyong eCard ay pwede ng makuha sa iyong napiling banko.
π Magpakita ng dalawang valid government IDs kapag kukunin na ang UMID Card na galing sa LBP.
π Ang LBP issued eCard ay i-aactivate na ng LBP kaagad pagkatanggap nito.
Mga paalala:
π Kapag ang napiling daliri para sa fingerprint scan ay ayaw tanggapin, mamili ng ibang pre-registered finger.
π Ang eCard ay "minsan" (one time) lang kaylangang ipa-activate pag kakuha nito
π Hindi na muling papayagan ang mga miyembro na ilipat ang kanilang UMID account pabalik sa UBP kapag ito ay lumipat na sa LBP.
Para sa Pensioner na naka-base sa Abroad
Pagkakuha ng inyong eCard Plus/UMID Card:
π Makipag-ugnayan sa email gamit ang pensionglobal@gsis.gov.ph
π Mag-request ng schedule na kayo ay available (pwede) [Manila date & time].
π Antayin ang kompirmasyon mula sa pensionglobal@gsis.gov.ph ukol sa iyong napiling araw at oras.
π Sa araw ng iyong schedule, dapat ikaw ay naka log-in na sa iyong Skype username/account at siguraduhing:
♦ Nakaposisyon ang computer sa maliwanag na lugar.
♦ Ihanda ang iyong eCard at scanned o photo copy ng iyong eCard Plus/UMID o dalawang Valid IDs o passport para sa pagkakakilanlan.
π Antayin ang tawag gamit ang gsis.global1/gsis.global2/gsis.global3/gsis.global4/gsis.global5 /gsis.global6 Skype username/account
π Sa video call, magsasagawa ang GSIS Skype Interviewers ng isang interview para malaman ang pensioner's identity at active status, kapag ito ay napatunayang karapat-dapat.
Mga paalala:
π Ang pagpapakita ng eCard Plus/UMID at dalawang valid IDs ay kinakaylangan habang nasa Skype video call conference.
Source: GSIS
No comments:
Post a Comment