Paano ipa-activate ang iyong eCard Plus

Para sa Active Member/Old Age at Survivorship Pensioner na naka-base sa Pilipinas 

Pagkakuha ng inyong temporary ecard:

πŸ‘‰    Pakipag-ugnayan sa Frontline Lobby Officer para i-activate ang inyong temporary card manually.
πŸ‘‰    Ipakita/i-presenta ang ecard o dalawang valid government IDs.
πŸ‘‰    Ang officer na naka-duty ang bahalang mag-activate ng inyong card.

Pakakuha ng inyong eCard Plus/UMID Card:

πŸ‘‰    Pumunta sa kahit saang GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosk na matatagpuan sa ilang shopping malls o mga major government offices.
πŸ‘‰    Ilagay ang inyong eCard Plus sa GWAPS Kiosk Card reader.
πŸ‘‰    Pindutin ang screen upang pumili sa alin man sa iyong pre-registered na daliri.
πŸ‘‰    Dahan-dahang ilagay ang pre-registered na daliri sa fingerprint scanner para ma-activate ang inyong card.


Para sa mga baguhan (first time):

Pagkakuha ng inyong LBP issued ecard:

πŸ‘‰    Pumunta sa kahit saang GSIS Wireless Automated Processing System (GW@PS) kiosk.
πŸ‘‰    Pindutin ang screen upang pumili sa alin man sa iyong pre-registered na daliri.
πŸ‘‰    Dahan-dahang ilagay ang pre-registered na daliri sa fingerprint scanner para mag-activate ang inyong ecard Plus.

Para sa mga nag-transfer ng kanilang GSIS banking services sa LBP:

πŸ‘‰    Antayin ang text mula sa LBP na sinasabing ang iyong eCard ay pwede ng makuha sa iyong napiling banko.
πŸ‘‰    Magpakita ng dalawang valid government IDs kapag kukunin na ang UMID Card na galing sa LBP.
πŸ‘‰    Ang LBP issued eCard ay i-aactivate na ng LBP kaagad pagkatanggap nito.


Mga paalala:

πŸ“Œ    Kapag ang napiling daliri para sa fingerprint scan ay ayaw tanggapin, mamili ng ibang pre-registered finger.
πŸ“Œ    Ang eCard ay "minsan" (one time) lang kaylangang ipa-activate pag kakuha nito
πŸ“Œ    Hindi na muling papayagan ang mga miyembro na ilipat ang kanilang UMID account pabalik sa UBP kapag ito ay lumipat na sa LBP.

Para sa Pensioner na naka-base sa Abroad

Pagkakuha ng inyong eCard Plus/UMID Card:

πŸ‘‰     Makipag-ugnayan sa email gamit ang pensionglobal@gsis.gov.ph
πŸ‘‰     Mag-request ng schedule na kayo ay available (pwede) [Manila date & time].
πŸ‘‰     Antayin ang kompirmasyon mula sa pensionglobal@gsis.gov.ph ukol sa iyong napiling araw at oras.
πŸ‘‰     Sa araw ng iyong schedule, dapat ikaw ay naka log-in na sa iyong Skype username/account at siguraduhing:
                    ♦    Nakaposisyon ang computer sa maliwanag na lugar.
                    ♦    Ihanda ang iyong eCard at scanned o photo copy ng iyong eCard Plus/UMID o dalawang Valid IDs o passport para sa pagkakakilanlan.
πŸ‘‰     Antayin ang tawag gamit ang gsis.global1/gsis.global2/gsis.global3/gsis.global4/gsis.global5 /gsis.global6 Skype username/account
πŸ‘‰     Sa video call, magsasagawa ang GSIS Skype Interviewers ng isang interview para malaman ang pensioner's identity at active status, kapag ito ay napatunayang karapat-dapat.

Mga paalala:

πŸ“Œ    Ang pagpapakita ng eCard Plus/UMID at dalawang valid IDs ay kinakaylangan habang nasa Skype video call conference.


Source: GSIS
Paano ipa-activate ang iyong eCard Plus Paano ipa-activate ang iyong eCard Plus Reviewed by Issues PH on December 13, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.