Hanggang ngayon parin ba ay nag-aantay ka na dumating ang iyong anaplayang UMID Card mahigit sa apat na buwan na?
Narito ang ilang paraan para ma-check mo ang status ng iyong application.
I-check ang iyong UMID card status sa SSS website
✅ Pumunta sa My.SSS.Portal
Narito ang link: https://member.sss.gov.ph/members/
✅ I-type ang iyong user ID at password. I-click ang Submit button.
✅ Hanapin ang E-Services menu o I-click ang “inquiry.”
✅ Hanapin ang “Member Info menu.”
✅ I-click ang “SSS ID card.”
✅ Pagka-click lalabas ang “SSS ID Card Production Information” table. Sa huling row (katabi ng ‘Transaction/Card Status’), makikita mo ang ARAW kung kelan na-generate o na-packaged, o pwedeng inihahanda pa lang para i-pack o i-mail.
I-check mo ang iyong email
Kapag ibinigay mo ang iyong email address noong araw na nag-apply ka, dapat ay nakatanggap ka ng update mula sa SSS.
I-follow up sa SSS ID Card Production Department (IDCPD)
Kapag naman wala kang natanggap na update tungkol sa iyong application, pwede mong i-follow up sa SSS ID Card Production Department (IDCPD). I-email ang mga sumusunod kalakip ng iyong kopya/scan/picture ng VALID IDs sa idcpd@sss.gov.ph
- Buong Pangalan
- Ang iyong 10-digit SSS Number
- DATE ng iyong UMID card application
Ikaw ay makakatanggap ng reply mula sa SSS kasama ang TRACKING NUMBER, sariling COMMON REFERENCE NUMBER (CRN), at SCREENSHOT ng POST OFFICE TRANSACTION (kasama ang delivery date at reason for RETURN to SENDER).
Kapag hindi ka nakarecieve ng kahit na anong sagot (response) pagkaraan ng ilang araw, maaring tawagan ang SSS hotline sa (02) 920-6446 to 55, at pwedeng bumisita sa pinakamalapit na sangay ng SSS para magtanong tungkol sa iyong UMID Card status.
No comments:
Post a Comment