Tuesday, December 15, 2020

Mga Karaniwang Tanong tungkol sa PagIBIG Fund Calamity Loan

Ano ang PagIBIG Fund Calamity Loan?

Ang Pag-IBIG Fund Calamity Loan Program ay naglalayong magbigay ng agarang tulong pinansyal sa mga apektadong miyembro sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.


Paano maging kwalipikado?

        👉    Dapat isa kang aktibong naghuhulog na miyembro.
        👉    Ikaw ay naninirahan sa lugar na idineklara ng Office of the President o ng Lokal na Sanggunian sa ilalim ng “state of calamity.”
        👉    Hindi bababa sa dalawampu't apat (24) na buwan ang iyong monthly membership savings (MS).
        👉    Mayroong sapat na patunay ng iyong kinikita (income).
        👉    Kung mayroon ka nang Pag-IBIG Fund Housing Loan, MPL at / o Calamity Loan, dapat “updated” ang iyong mga pagbabayad para maging kwalipikado.

Magkano ang pwedeng mahiram?

        📍    Kapag ikaw ay kwalipikado maaring kang makahiram ng hanggang 80% ng kabuuan ng iyong PagIBIG Regular Savings.
                   [Ang iyong PagIBIG Regular Savings ay binubuo ng iyong buwanang hulog (contribution), hulog (contribution) mula sa iyong employer, at ang naipong dividends.]
        📍    Kapag mayroon kang pang natitirang Multi-Purpose at/o Calamity Loan, ibabawas ang iyong natitirang bayarin sa iyong panibagong loan na makukuha.

Magkano ang interest rate ng Calamity Loan?

Ang interest ng Calamity Loan ay ang pinakamababa sa merkado, ito ay nasa 5.95% bawat taon.

Paano babayaran ang Calamity Loan?

            Ang utang (loan) ay mababayaran sa loob ng 24 na buwan. Ang unang pagbabayad ay pagkaraan ng tatlong buwan pagkatapos makuha ang loan.
        ✅    Ang mga formally-employed na miyembro ay dapat magbayad ng kanilang amortization sa pamamagitan ng “salary deduction.”
        ✅    Ang mga self-employed na miyembro, Overseas Filipino Workers (OFWs), at lahat ng iba pang indibidwal ay maaaring mag bayad ng kanilang amortization sa alinmang sangay ng Pag-IBIG Fund.

Hanggang kelan maaring ma-avail ng kwalipikadong miyembro ang loan?

Ang mga kwalipikadong miyembro ay dapat ma-avail ang loan sa loob ng 90 na araw mula ng ideklara ang naturang lugar ng state of calamity.

Kung paano mag-apply basahin sa link na ito:


Source: PagIBIG Fund

No comments:

Post a Comment