Narito ang ilan sa dapat sundin at inaasahang mangyayari ng Kagawaran ng Edukasyon sa pilot testing ng face-to-face classes sa January.
📍 Una sa lahat ang mga kasali na paaralan ay dapat nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGQC).
📍 Ang mga paaralang kasali sa pilot testing ay dapat suportado ng local government units (LGUs) at may pahintulot ng mga magulang. Magkakaroon ng pre-orientation para sa mga studyante at guro bago ang dry run.
📍 Bago payagan ang mga studyante at guro sa paaralan, sila ay sasailalim sa symptoms check sa gate ng paaralan palang. Mahigpit na ipapatupad ang physical distancing at face covering rules sa loob ng paaralan.
📍 Ang pagtuturo sa classroom ay hindi buong araw, magpapatupad and DepEd ng staggered schedules. Ipagbabawal din ang flag-raising ceremonies.
📍 Pagkatapos ng klase ang mga studyante ay deretsong uuwi. Ang ilan sa mga napili para sa pilot testing ay senior high school students na nasa ilalim ng technical-vocational-livelihood track at mga mag-aaral na nahihirapan sa distance learning.
Sinabi ng DepEd na magpapatupad ito ng mahigpit na hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro. Gagawin ang lahat ng may "ibayong pag-iingat" para sa ligtas at sa muling pagbukas ng mga piling paaralan.
Sinabi ni Undersecretary Nepomuceno Malaluan na isinusulong nila ang pagpapatuloy ng limited face-to-face classes bilang bahagi ng blended learning system. Ito rin ay bilang tugon sa apela ng mga LGU na magkaroon ng physical classes dahil mababa ang peligro para sa pagkalat ng COVID-19.
No comments:
Post a Comment