Ano ang Pag-IBIG Fund Multi-Purpose Loan Program?
Ang Pag-IBIG Fund Multi-Purpose Loan o MPL Program ay isang cash loan para sa mga kwalipikadong miyembro upang tulungan sila sa anumang agarang pangangailangan ng pera.
Narito ang ilang mga halimbawa kung saan maaaring gamitin ang MPL:
- Minor home improvement
- Karagdagang kapital para sa maliit na negosyo
- Pangbayad sa tuition fee at iba pang mga gastos na nauugnay sa edukasyon
- Pangbili ng mga kasangkapan, kagamitan o electronic gadget
- Pangbayad sa utility at credit card
- Vacation at travel
- Special events
- Pangpaayos ng sasakyan; atbp
Paano maging kwalipikado sa loan program?
☑ Dapat isa kang aktibong miyembro at nakahulog ng kontribusyon ng hindi bababa sa 24 monthly membership savings (MS)
☑ May sapat na patunay ng iyong kinikita (income) upang maging kwalipikado.
☑ Kung mayroon nang Pag-IBIG Fund Housing Loan, MPL at / o Calamity Loan, dapat na updated ang iyong pagbabayad upang maging kwalipikado.
Magkano ang maaari mong hiramin?
👉 Sa programa ng MPL ng Pag-IBIG Fund, ang mga kwalipikadong miyembro ay maaaring mangutang hanggang sa 80% ng kanilang kabuuang Pag-IBIG Regular Savings
[Ang Pag-IBIG Regular Savings ay binubuo ng buwanang mga kontribusyon, kontribusyon mula sa employer, at naipon na dividend na kinita.]
👉 Kung mayroon kang natitirang Calamity Loan, ibabawas ang natitirang balanse ng iyong Calamity Loan sa 80% ng iyong kabuuang Pag-IBIG Regular Savings. Ang matitira ay ang kabuuang loan na iyong puwedeng makukuha.
👉 Nangangahulugan ito na kapag malaki ang iyong naipong kontribusyon sa iyong Pag-IBIG Regular Savings, mas mataas na halaga ng loan ang puwede mong makuha sa pamamagitan ng MPL.
Magkano ang rate ng interest ng MPL?
Ang MPL ay nasa mababang rate ng interest lamang, ito ay 10.5 porsyento bawat taon.
*You would be pleased to know that a significant part of the income derived by Pag-IBIG Fund from the loan program is returned to its members in the form of dividends.
Paano magbayad ng MPL?
➤ Ang utang ay maaaring bayaran sa loob ng 24 na buwan at mayroong isang ipinagpaliban na unang pagbabayad.
➤ Para sa mga Formally-employed members, magbabayad sila ng kanilang loan amortization sa pamamagitan ng salary deduction arrangement sa kanilang employer.
➤ Para sa mga Self-employed individuals, gaya ng Overseas Filipino Workers (OFWs) at lahat ng iba pang individual payors ay maaring magbayad sa alinmang sangay ng Pag-IBIG Fund.
Kailan puwedeng i-renew ang MPL?
Maaaring i-renew ang MPL pagkatapos magkapagbayad ng katumbas ng anim (6) na buwanang amortisasyon at sa pagtugon sa mga kwalipikasyon na nabanggit sa itaas.
*The outstanding balance of your existing loan shall be deducted from the loan proceeds of your new loan.
Source: PAG-IBIG FUND
pede po bang mapa check kung legible napo ako mag renew ng MPL, Nov 2019 pa po ang last loan ko. Thanks
ReplyDeleteMay apply po kmi ng clamity loan paano po nmin malalaman kung approve po. Salamat po
ReplyDeletePwd ba ako mg apply ng housing loan 6 years na po ako sa service.ito plang loan ang iaavail ko plang.
ReplyDeleteAsk ko po kung pwedi pa po ako mag loan ng MPL at magkano po kaya ang ma avail ko salamat po.
ReplyDeleteAsk ko lng po kng pwd nko.mag apply NG mpl khit na 5k Ang net pay ko nlng
ReplyDelete18 years in service my makukuha na po ba?
ReplyDeletePwede po bang macomputan nyo ako kung mgkano ang marenew ko sa mpl at monthly deduction nito?
ReplyDeletePaano malalaman kung magkano ang takehome pay s mpl..
ReplyDeleteGudpm po. Pwede po bng my unded ang mg loan ng MPL nyo?
ReplyDelete