Wednesday, December 09, 2020

Mga dapat malaman tungkol sa National ID System

Noong Agosto 2018, pinirmahan ng pangulo ang National ID Law. Ito ay naglalayong makabawas ng corruption sa gobyeno, mapaganda ang pamamahala ng gobyerno at magsisilbing kagamitan upang mapanatiling ligtas ang publiko.

Nagsimula ang initial registration noong October 12, 2020.


Ang pagpaparehistro ay may tatlong "steps," ang una ay pangangalap ng personal at demographic na impormasyon, habang ang pangalawa ay biometric at pagkuha ng larawan at ang pangatlo ay ang pagkuha ng physical national ID na kung saan laman nito ang "unique" PhilCard number.

Kung paano mag-apply click HERE.

Ano ba ang National ID System? 

Ang National ID System ay tatawaging "Philippine Identification System" o "Philsys." Ito ay isang ID card na maaaring magamit bilang patunay ng pagkakakilanlan para sa lahat ng mga transaksyon sa bansa, maging sa pagitan ng isang ahensya ng gobyerno o isang pribadong institusyon. Kapag naipatupad na ito, lahat ng Pilipino at  maging sa ibang bansa (OFWs at dual citizens) ay kinakailangang magparehistro. 

Paano ba ito gumagana? 

Sa Philsys, dapat ideklara ng tao ang kanyang pangalan alinsunod sa kanyang birth certificate, litrato, kasarian, uri ng dugo, at pirma. Ang ID ay may sariling serial number, na tatawaging Philsys Number (PSN). Ang reference number ay ilalabas ng Philippines Statistics Authority (PSA). 

Ano ang mga impormasyong nakapaloob sa ID? 

Ang Philsys ay isang tamper-proof ID at mayroon itong smart chip na naglalaman ng mga impormasyon gaya ng biometrics, iris scan, facial image reception code, at marami pang pagkakakilanlan ng isang tao. 

Ang ibang pang govenrtment issued IDs na inisyu ng gobyerno tulad ng mga sumusunod ay maiuugnay din sa itinalagang CRN ng isang tao: 

    SSS
☑    Pag-IBIG
☑    PhilHealth
☑    Passport number
☑    Voter’s registration
☑    Tax Identification number (TIN)
☑    Driver’s license number 

Sino ang mga maaring magkakuha ng national ID? 

Ang lahat ng mamamayang Pilipino ay awtomatikong karapat-dapat upang makakuha ng isang National ID, kabilang ang mga Overseas Filipino Workers, dual citizens na naninirahan sa ibang bansa, at maging ang mga resident aliens (dayuhan). 

Nangangamba ang karamihan sa kanilang data privacy at kung talaga bang ligtas ang impormasyong nakapaloob sa ID. Ang sagot ng committee chairperson na si Sol Aragones, ang ahensya lamang na magkakaroon ng access sa mga impormasyon ng tao ay tanging PSA. 

Nilinaw ng panukalang batas na ang impormasyon sa Philsys, kahit na ito nasa pangangalaga ng PSA, ay hindi maaaring isiwalat/ipakita/ibigay sa sinumang/anumang humihiling na ahensya nang walang pahintulot ng may-ari ng ID, maliban kung nasasailalim ito sa mga sumusunod na sitwasyon: 

    sa kaso ng aksidente o sakuna, kung saan kaylangan ng medical workers ang medical history ng may-ari ng ID
➽   kapag ang interes ng kalusugan o kaligtasan ng publiko ay nangangailangan ng impormasyon sa ID
➽   kapag iniutos ng korte na ibunyag ang mga impormasyon

Nakasaad din sa panukalang batas na ang PSA, Department of Information and Communications Technology, at ang National Privacy Commission ay dapat na magpatupad ng mga hakbang na magagarantiya ng kaligtasan ng mga impormasyon. 

RELATED ARTICLE:

Ano ba ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng National ID system? 

Ang pangunahing layunin ng ID system na ito ay upang i-streamline ang mga transaksyon, babaan ang gastos ng aplikasyon sa government-related IDs, at padaliin ang lahat ng mga transaksyon. 

Nakapaloob na sa ID ang lahat ng impormasyong kaylangan kapag tayo ay makikipagtransaksyon sa gobyerno man o pribadong estalisyemento. Hindi narin kaylangan ng iba pang valid Ids, ang Philsys ay sapat na para sa lahat ng transaksyon.

Source: PSA

No comments:

Post a Comment