Ano ba ang Emergency Loan?
Ang Emergency Loan ay iniaalok sa mga miyembro na lubhang naakpektuha ng kalamidad. Ang loan ay maaring bayaran sa loob ng 3 taon o 36 equal monthly installments. Ito ay may interest rate na 6% per annum. Kapag ito ay na-renew, ang natitirang balanse ay ikakaltas sa panibagong loan.
Sino ang mga kwalipikadong miyembro?
Para maging kwalipikado ang miyembro dapat ay:
🔴 residente o empleyado ng tanggapan ng gobyerno na nasa idineklarang calamity area;
🔴 aktibo sa serbisyo at hindi naka-leave of absense without pay
🔴 walang balanse/utang sa pagbabayad ng mandatory social insurance contributions
🔴 walang loan na idineklarang default
🔴 walang pending administrative o criminal case
🔴 ang lugar na sinalanta ng kalamidad ay dapat idineklarang nasa ilalim ng 'state of calamity' ng Sangguniang Panlalawigan/ Panglungsod at/o ng National Disaster Reduction Risk Management Council.
Mga dapat malaman ng aplikante
🔵 Ang mga miyembro ng GSIS at pensioners ay maaring magpasa ng kanilang emergency loan application sa online.
Narito ang GSIS website: https://www.gsis.gov.ph/
Ang application form ay madadownload sa mga link na ito:
🔶 para sa mga ACTIVE MEMBERS: https://www.gsis.gov.ph/downloads/forms/2020/20200507-Forms-SEML_Active_Members.pdf?csrt=8557202221825988426
🔶 para sa mga PENSIONERS:
https://www.gsis.gov.ph/downloads/forms/2020/20200507-Forms-SEML_Pensioners.pdf?csrt=8557202221825988426
🔵 Ang mga pensioners ay pwedeng mag-apply gamit ang GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosks.
Ang mga GWAPS Kiosks ay makikita sa lahat ng GSIS branches, DepEd offices, provincial capitols, city halls, Robinson’s Malls at ilang SM Supermalls.
🔵 Kapag ang iyong loan ay naaprobahan, ang iyong loan ay direktang madideposito sa iyong Unified Multi-Purpose ID (UMID) card or temporary eCard account.
🔵 Ang old-age at disability pensioners ay kwalipikadong mag-apply ng loan kapag ang kanilang resulting net monthly take-home pension pagkatapos ng loan availment ay hindi bababa sa 25% ng kanilang basic monthly pension.
🔵 Lahat ng emergency loan applications ng mga aktibong miyembro ay dapat aprobado ng GSIS authorized officers of the members’ employer.
🔵 Ang mga kwalipikadong miyembro ay dapat may net take-home pay na hindi bababa ng P5,000 kapag naibawas ang required monthly obligations.
🔵 Ang mga miyembrong nakapag-avail na ng Covid-19 Emergency Loan ay hindi na maaring makahiram gamit ang Emergency Loan.
Para sa iba pang katanungan maaring tumawag at mag-email sa:
GSIS email: gsiscares@gsis.gov.ph
GSIS Contact Center:
8847-4747 (if in Metro Manila)
1-800-8-847-4747 (for Globe and TM subscribers)
1-800-10-847-4747 (for Smart, Sun, and Talk ‘N Text subscribers)
Source: GSIS
No comments: