Mga dapat alamin tungkol sa eGSISMO at kung papaano mag-register

Ano nga ba ang eGSISMO?

Ang ibig sabihin ng eGSISMO ay Electronic GSIS Member Online. Isang web-based system kung saan pinapayagan ang mga miyembro nito na makita electronically kahit saan at kahit kaylan ang kanilang profile at mga records ng loan at claims.


Paano maa-access ang eGSISMO?

Maaaring ma-access ang eGSISMO gamit ang iyong personal computer at tablet basta ikaw ay may internet. 

Narito ang link: https://egsismo.gsis.gov.ph/eGSISMO/

Paalala: Kaylangang magregister muna sa eGSISMO bago maka log-in. Kakaylanganin mo ang iyong GSIS Business Partner (BP) Number para makapag-register.
  • Saan maaring kunin ang BP Number?
Maari kang mag-request sa iyong Agency Authorized officer (AAO) o electronic remittance file (ERF). Maari ding tumawag sa GSIS Contact Center (847-4747) o sa Members Assistance Unit sa pinakamalapit na sangay ng GSIS sa inyong lugar. 

Paano mag-register sa eGSISMO?

📍    I-click ang link: https://egsismo.gsis.gov.ph/eGSISMO/
📍    I-click ang Sign UP.
📍    Ipasok ang iyong BP Number at araw ng kapanganakan, pagkatapos, i-click ang Confirm.
📍    Mamili ng dalawang security questions at ibigay ang kasagutan sa text box.

Paalala: Huwag kakalimutan ang sagot sa mga katanungan, maari itong magamit pag nagkaproblema ang iyong account.

📍    Sa parehong page, i-check kung ang email address na nakalagay ay talagang saiyo at kung ito parin ang iyong ginagamit. Magsesend ang GSIS sa eGSISMO ng mga impormasyon kasama ang default password para sa email address.
📍    I-click ang Confirm kapag ikaw ay tapos na. (I-click ang Reset kapag nais mong palitan ang iyong sagot sa security questions.)

Lalabas ang mensaheng ito: “You have successfully registered in eGSISMO! Your password has been sent to your email address. Please check your email to activate your account.”

📍    Pagkatapos ay i-click ang OK.

Ngayong ikaw ay nakapag-register na, paano naman maka-log-in?

📍    I-click ang link:  https://egsismo.gsis.gov.ph/eGSISMO/
📍    Kunin/tignan ang default password na isinend ng GSIS sa iyong email.
📍    Mag-log-in eGSISMO gamit ang iyong BP Number at kopyahin ang eksaktong default password mula sa iyong email at i-paste/type sa Password field.
📍    Palitan ang password na ibinigay ng system sa password na iyong nais. Siguraduhing ito ay 8 hanggang 15 characters, na mayroong kahit isang number. Wala ring dapat itong special characters.
📍    Pagnatapos na ang lahat lalabas ang message na ito: “Your password has been successfully changed.”
📍    Sa susunod na ikaw ay mag la-log-in gamitin mo na ang iyong panibagong password.

Maari mo ng magamit ang eGSISMO para makita ang sumusunod:

Member Profile menu
  • Service record (total length of service, periods with paid premiums, and leave without pay)
  • Insurance policy (compulsory and optional) 
  • Preneed plan [College Education Assurance Plan (CEAP), EduChild, Hospitalization Insurance Plan (HIP), Memorial]
Loan Record
  • All active loan accounts
  • Statement of account
  • Payment details
Claim Record
Benefits you received under:
  • Life insurance
  • Retirement
  • Employees’ Compensation (EC)
  • Dividend
  • Preneed (CEAP, EduChild, HIP, Memorial)
  • Refund
Maari ka bang mag-apply ng loan sa eGSISMO?

Hindi, ang eGSISMO ay hindi nadisenyo para tumaggap ng aplikasyon para sa GSIS loans. Ang ginagamit para pag-aaply ng loan ay ang GWAPS kiosks. 


Source: GSIS
Mga dapat alamin tungkol sa eGSISMO at kung papaano mag-register Mga dapat alamin tungkol sa eGSISMO at kung papaano mag-register Reviewed by Issues PH on December 22, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.