Ang iyong eCard Plus/Temporary Card/UMID Card/LBP Issued UMID Card ba ay NAWALA o NASIRA? O kaya'y nais mong LUMIPAT ng servicing branch mula sa Union Bank of the Philippines para maging Land Bank of the Philippines? Pwede din na ikaw ay pensioner at EXPIRED na ang iyong eCard/UMID Card pero ikaw ay nakabase sa abroad?
Ang lahat ng iyan ay pwedeng pagawan ng REPLACEMENT, narito ang dapat ninyong gawin.
OTHER ARTICLES:Mga dapat malaman tungkol sa GSIS Emergency Loan
📍 Kaagad na tumawag o mag-send ng email sa iyong Servicing Branch (Union Bank/Land Bank Branch) para sabihing nawawala ang iyong eCard Plus/ UMID card para mablock ang account ng hindi magamit ng iba.
📍 Magpagawa ng affidavit of loss na dapat na-notaryo ng isang abugado.
📍 Magpunta sa iyong servicing branch at mag fill up ng eCard Plus/ UMID card replacement form.
📍 I-submit sa servicing branch personnel ang na fill-apang replacement form at affidavit of loss.
📍 Bayaran ang kaukulang replacement fee.
📍 Pinakahuli, antayin ang text o email ng iyong servicing branch kung kelan mo ito pwedeng makuha, kadalasan ito ay umaabot ng isang linggo o higit pa.
Para sa NASIRANG ecard Plus/UMID Card/LBP Issued UMID Card
👉 Ipakita ang iyong nasirang eCard Plus/ UMID card sa iyong servicing branch (Union Bank/Land Bank).
👉 Mag fill up ng eCard Plus/ UMID card replacement form.
👉 I-submit sa iyong servicing bank personnel ang na fill-apang form.
👉 Bayaran ang kaukulang replacement fee.
👉 Pinakahuli, antayin ang text o email ng iyong servicing branch kung kelan mo ito pwedeng makuha.
PAGLIPAT ng Servicing Branch mula sa UBP para maging LBP
➤ Ipakita ang iyong UBP-issued UMID card sa LBP branch, kapalit ng LBP-issued UMID card na ibibigay sayo.
➤ Fill-apan ang enrolment form at ang specimen signature card.
➤ I-submit sa LBP bank personnel ang nafill-apang eCard Plus/UMID card enrollment form at ang specimen signature card.
➤ Panghuli, antayin ang text o email ng iyong LBP branch kung kelan mo ito pwedeng makuha.
Para sa may mga karagdagang tanong narito ang contact details ng UBP at LBP:
Land Bank of the Philippines
Landbank Customer Care Hotline at 405-7000 (NCR)
1-800-10-405-7000 (PLDT toll-free: outside NCR)
Union Bank of the Philippines
810-4747 (if calling within Metro Manila)
1-800-10-8884747 (to call toll-free with the Philippines)
Email: ecards@unionbankph.com
Para sa replacement ng EXPIRED na eCard plus/UMID Card ng pensionee na nasa abroad
♣ Magpadala ng email request para sa Skype Video call Conference sa pensionglobal@gsis.gov.ph
♣ Siguraduhing nakahanda sa preliminary activities (ibigay ang link) para sa video call conference.
♣ Antayin ang kumpirmasyon ng schedule mula sa pensionglobal mailbox.
♣ Sa araw ng naitakdang schedule, dapat ikaw ay naka-online at nakalog-in sa iyong Skype username/account, siguraduhin ang sumusunod:
- Ang iyong computer ay nakaposisyon sa isang maliwanag na lugar
- Dapat nakahanda na ang na-scan o photo copy ng ecard Plus/UMID card. Dapat nakahanda rin ang dalawang Valid ID o Passport para sa pagkakakilanlan.
♣ Samantala sa video call, isang interview ang isasagawa ng GSIS Skype Interviewer upang matukoy ang pagkakakilanlan at para malaman kung eligible ang pensioner.
Pag nakuha na ang eCard Plus/UMID Card:
✅ Makipag-ugnayan gamit ang email: pensionglobal@gsis.gov.ph
✅ Mag-request ng gustong schedule (Manila date and time).
✅ Antayin ang kumpirmasyon mula sa pensionglobal@gsis.gov.ph para sa piniling schedule.
✅ Sa araw ng napiling schedule, ikaw dapat ay naka-online gamit ang iyong Skype username o account at siguraduhin ang sumusunod:
- Ang iyong computer ay nakaposisyon sa isang maliwanag na lugar
- Dapat nakahanda na ang na-scan o photo copy ng iyong replacement ecard Plus/UMID card at dalawang Valid ID o Passport para sa pagkakakilanlan.
PAALALA:
✔ Kaylangang magpakita ng ecard Plus/UMID at/o dalawang (2) valid IDs habang nasa Skype video call conference.
Para sa iba pang katanungan, maaring e-email ang sumusunod:
- pensionglobal@gsis.gov.ph :eCard process, ARAS, ecard activation o replacement ng expired ecard
- ecards@unionbankph.com : Nawala o nalimutang eCard/Personal Identification Number of UBP issued eCard
- crmd@gsis.gov.ph : Mga iba pang tanong/problema
Maari din tawagan ang mga sumusunod:
• Landline (Metro Manila ) 847-4747
• Globe Toll Free Number: 1-800-8-847-4747 (free from both Globe landline and mobile phone)
• PLDT/Smart Toll-Free Number: 1-800-10-847-4747 (free from PLDT landline: a flat rate of P8.00/per call from mobile phone)
Source: GSIS
No comments:
Post a Comment