Nawawalang guro, patay na nang matagpuan

Isang guro ang ilang araw ng nawawala sa Kolambugan, Lanao del Norte ang naaagnas na nang matagpuan. Ang biktima ay nagtamo ng saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Photo credit: gmanetwork.com

Ang biktima ay nawawala pa noong Sabado at kinilalang si Arthur Flores, isang guro. Isang concerned citizen ang nagsumbong sa awtoridad na tila may nanganagamoy bangkay sa Barangay Pantar. Mabilis na nagtungo ang awtoridad sa sinasabing lugar kasama ang pamilya ng biktima.

Nakilala ng pamilya si Flores dahil sa mga naiwan nitong personal na gamit sa pinangyarihan ng krimen. Sa tala ng awtoridad, nagtamo ng anim na saksak sa katawan ang biktima na siya nitong ikinamatay.Tinitingnan ang anggulo ng pagnanakaw dahil sa nawawalang motorsiklo ni Flores. 

Natukoy naman ng mga awtoridad ang suspek na si John Mark Niano, na sumuko at umamin sa pagpatay sa biktima.
Nawawalang guro, patay na nang matagpuan Nawawalang guro, patay na nang matagpuan Reviewed by Issues PH on November 05, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.